Chapter Twenty Three

7.4K 160 0
                                    

-Nina-

Everything was going well sa may Christening ni Baby Nat and Marco seemed very restless. Naisip ko baka dahil sa preparations or dahil sa bagong role niya bilang daddy. Minsan siya ang gising magdamag para patulugin si Nat tuwing umiiyak ito.

Natutuwa ako kapag naririnig ko siyang kumakanta ng French lullaby na Au Clair de la lune which means By Moonlight at mabilis na makakatulog si Natalie sa braso niya.

Ngayon ay tila di siya mapakali at panay tingin sa cellphone niya pero hinayaan ko na lang at naglibot sa mga bisita. Si Natalie ay karga-karga ni Mommy Francine at ipinapakita sa mga ibang business associates na bisita namin. Nabigla ako nang lumapit sa akin si Marco at niyakag na pumunta sa kabilang function room dahil may ipakikilala sa akin.

Nang binuksan ni Marco ang pinto ay nabigla ako sa nakita ko as the face was hauntingly familiar.

"Nanay?" Naramadaman ko ang pagbara ng lalamunan ko sa pagpigil na hindi humagulhol.

"Nina? Anak?"Tanong niya at tumingin sa akin puno ng hinagpis.

"Anong ginagawa nyo dito?" Hindi kong maiwasang magalit dahil ngayon lang siya nagpakita.

"G-gusto lang kita makita anak... At ang apo ko..." Sagot niya at tumayo para luampit sa akin pero umiwas ako.

"So ngayon babalik kayo kasi may kaya ang asawa ko? Ganun ba nay?"

"Hindi... Hindi totoo iyan. Bumalik ako para makita ka at ang anak mo... Patawarin mo ako..."

"Huli na ang lahat, nay." Hindi ko nang mapigilan na bumagsak ang mga luha sa mata ko at tumakbo paalis doon.

"Nina..wait!" Narinig kong tawag ni Marco at naabutan niya ako bago ako pumasok sa may restroom.

"What's wrong ma cherie? I though you wanted to see her?" He asked full of concern and gathered me in his arms.

"Hindi ko kaya na hindi siya sumbatan, Marco. She left us because we had no money and parang nagkataon na andito siya dahil napangasawa kita. Mayaman ka."

"I looked for her, Nina. I asked her to come to meet you. When I met her in Negros several days ago, I knew that she felt remorse for leaving you and your father."

"So ikaw pala ang nagdala sa kanya dito? Dahil ba sa sinabi ko?"

"Yes. I wanted to make you happy. Everything you want, I'll give it to you. I have a lifetime to keep on proving to you that I love you."

"Binigyan mo ba siya ng pera kaya andito siya ngayon?"

"No but I did leave her with a plane ticket so she can come here. You should have seen her home, ma cherìe. She's struggling to live albeit alone. As reported, she's working as a hired help at the azucarera in Negros. It's not too late." He explained but I shook my head. Tila di ko pa kayang makipagbati kay nanay kahit may konting saya akong naramdaman na hindi pera ang nag-udyok sa kanya para balikan kami.

"I think I need more time. Where will she stay?" I asked and saw Marco smiled.

"I'll make the arrangements. I would br asking your father if he would like to meet her too." Sabi niya at nang pabalik na kami sa reception area ay nakita kong nag-uusap si tatay at nanay.

"Let's give them time to talk." Sabi ni Marco at pumasok kami ulit sa function room kung saan ang party. Karga ni Felicity si Baby Nat at inaaliw ni Nathan.

Lumapit ako sa kanila at timing andoon din si Trixie na karga din si Baby Xel.

"Uy bakit mugto yang mata mo? Nag-away ba kayo ni Marco?" Tanong ni Felicity nang inabot sa akin si Natalie.

The Trinity Sorority Series: The Arranged Marriage (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon