Ika-limang Kabanata
"I-ISANG ginoong walang kasuotan?" Gulat na usal ni Mina habang nakatakip pa 'rin ang kaniyang mata.
Muli niyang sinilip ang lalaki dahil aalis na lamang siya at ayaw niyang makita siya nito ngunit nanlaki ang mata niya at muling napatago sa puno nang biglang lumingon ang lalaki.
Inis siyang napapikit at natapik na lamang niya ang kaniyang noo. Pakiramdam niya ay namboboso na siya sa kaniyang ginagawa.
"Sinong nariyan?" Halos lumabas ang puso ni Mina ng marinig niya ang boses na iyon na papalapit sa kaniyang pinagtataguan. Wala na siyang iba pang magagawa kun'di ang tumakbo.
"Batid kong mayroong nagtatago sa likod ng puno na iyan" napapikit sa inis si Mina saka siya humugot ng lakas ng loob at saka siya mabilis na tumakbo.
"H-Hoy!"rinig pa niyang sigaw nito ngunit hindi na niya ito nilingon sa takot na mamukhaan siya nito.
Nang makarating siya sa mansyon ay napabagsak na lamang siya dahil sa sobrang pagod sa pagtakbo.
Habol ang kaniyang hininga habang nakahiga at nakapikit. " Tila yata hinihingal ka?"napabalikwas si Mina at agad na tumayo.
"Natutuwa ka ba dahil pinayagan kang maglibot sa hacienda ni mayor doma Emilda?" Dagdag pa ni Rowena na may yakap na timba na gawa sa kawayan.
"H-Hindi sa ganoon." Tugon ni Mina habang nakayuko.
"Ito mag salok ka nang tubig sa balon at dalhin mo sa palikuran!" Saad ni Rowena saka niya binato ang timbang kawayan sa harap ni Mina.
"Masusunod" usal niya at pinulot niya ang timbang kawayan. Nakangisi naman si Rowena habang pinagmamasdan si Mina at saka siya mabilis na naglakad.
Nagtungo na siya papunta sa balon at mabagal ang kaniyang kilos habang sumasalok ng tubig.
Natuon ang kaniyang atensyon sa paligid ng makarinig siya ng kabayo bigla niyang naalala ang lalaking namataan niya sa ilog. Mabilis niyang inangat ang tali sa takot na makita siya ng lalaki, naglakad siya ng mabilis habang buhat ang timbang kawayan patungo sa palikuran.
"Narito kana pala Mina, ikaw ang magdala nito sa tanggapan ng gobernador sapagkat nariyan si Heneral Francisco." Saad ni Mayor doma Emilda saka niya inabot ang isang tasa ng tsaa kay Mina. Tumango siya at naglakad patungo sa itaas kung nasaan naroon ang tanggapan ng gobernador.
Nakayuko lamang siya ng makapasok sa silid at inangat niya ang kaniyang ulo upang hanapin ang sinasabing heneral Francisco, nakatalikod ang mga ito kung kaya't hindi niya alam kung nasaan ang heneral at isa pa ay hindi niya pa kailan 'man nakita ang heneral.
"Gobernador para po ito kay heneral Francisco." Nakayuko na muling saad ni Mina. "Ibigay mo sa kaniya, ito ang heneral." Tugon ni gobernador-heneral Vincente sabay turo sa lalaking nakasuot ng kulay kayumanggi na uniporme.
Inilipat ni Mina ang kaniyang tingin sa heneral at halos pagsakluban siya ng langit at lupa at nanlaki ang mga mata niya ng makita ang mukha ng nasabing heneral. Nag-iwas muli ng tingin si Mina at saka siya naglakad papunta sa kinaroroonan ni heneral Francisco.
"Ito na po ang inyong tsaa heneral" mahinang saad ni Mina. Kinuha naman agad iyon ni heneral Francisco at muling itinuon ang pansin sa gobernador. Mabilis na naglakad palabas si Mina at napahinga siya ng malalim dahil sa pakiwari niya ay hindi siya nakilala ng lalaking nakasagupa niya kanina lamang sa ilog.
ABALA ang lahat sa paghahanda ng hapunan ng gobernador. Kahit na nag-iisa lamang itong kumakain ay pinapanatili ni mayor doma Emilda na masarap at maganda ang preperasyon ng mag pagkaing ihahain.
BINABASA MO ANG
Yugto
Historical FictionMina Cortez, ang binibining may kakaibang wangis. Maputi at napakaputla ng kaniyang balat at maging kaniyang buhok. May asul na mga mata at may taglay na kagandahan. Buong buhay niya ay umikot lamang ang kaniyang mundo sa loob ng kanilang tahanan at...