Kabanta 18

113 2 0
                                    

Ika labing walong Kabanata

RINIG ang malalakas na putok nang mga baril at maging ang mga hiyawan ng mga kaanak ng mga napapaslang. Napabangon si Mina at agad na nadako ang paningin niya sa pinto nang pumasok doon si tatay Arturo at hinila siya nito patayo.

"Narito sila, tumakas na tayo!"saad nito at kapwa sila napalingon sa pinto nang pumasok ang isang binata na siyang ikinalaki nang mata nang dalaga.

"Ibigay mo sa akin ang dalagang iyan."seryosong saad ni Joeliano habang matalim na nakatitig sa matanda.

"Dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay bago mo siya mahawakan!"sigaw ng matanda saka nito kinuha ang itak sa ilalim ng higaan at agad na itinutok iyon sa binata. Kunot noo naman si Mina habang pinagmamasdan ang madilim na awra sa mukha ni Joeliano.

"Kung gayon, halika."marahan nitong saad at kumuha 'rin siya nang itak upang maging patas ang labanan. "Mina tumakas kana!"sigaw ni tatay Arturo at saka ito sumugod ngunit nanlaki ang mata ni Mina nang mabilis na saksakin ni Joeliano diretso sa puso ang matanda na agad 'din nitong ikinasawi.

Walang kurap si Mina habang pinagmamasdan ang kaniyang tiyo na nakahandusay at napupuno na nang dugo. Dahan-dahan niya itong nilapitan at hinawakan ang dibdib kung saan patuloy pa 'rin ang pag agos ng dugo mula roon.

"T-Tiyo-"usal niya at tuluyan nang nalaglag ang mga luha mula sa kaniyang asul na mga mata.

Dumating ang dalawang guwardiya civil, hawak nang mga ito ang mga mahahabang baril na nakasabit sa mga balikat ng mga ito.

"Arrestenlo"rinig niyang saad ni Joeliano at tinalikuran na siya.

"Paano mo nagawa sa akin ito."matigas niyang saad dahilan upang mapatigil ang binata ngunit hindi na niya nilingon pa si Mina at ilang sandali pa ay ipinagpatuloy na niya ang kaniyang paglalakad paalis.

Sa huling pagkakataon ay hinaplos ng dalaga ang mukha ni tatay Arturo at agad na siyang hinawakan sa magkabila niyang braso at pwersahang pinatayo.

Nang makalabas sila ay inilibot ng dalaga ang kaniyang paningin. Puro duguang mga tao at mga tumatangis na mga kaanak ang kaniyang nakita. Agad na hinahanap ng kaniyang mga mata si Teofilo ngunit hindi niya ito nakita kahit pa sa mga nakahandusay na katawan. Mga babae at mga anak nito ang mga natitira. Tumigil sila sa paglalakad at diretsong napatingin si Mina sa ilang mga kababaihang nakagapos at wala pa 'ring tigil sa pagtangis.

Iginapos 'rin siya kasama ng mga iyon at nang matapos ay naglakad ang dalawang guwardiya civil papalapit kay Joeliano na siyang nangunguna sa hukbo habang nakasakay sa kabayo.

Tinanguan nito ang guwardiya civil at tinitigan lamang niya ito sa pag-asang susulyapan siya nito ngunit hindi. Nanguna na ito at pinatakbo ng mabilis ang kabayo. Napapikit na lamang siya at sumabay na 'rin sa paglalakad pagkat magkakasama silang nakagapos sa iisang lubid habang nakapalibot naman sa kanila ang iba pang mga guwardiyang nagbabantay.












NATAPOS na ang pagtitilis at lubusan ang kaligayahan ni heneral Edilberto nang marinig ang desisyon ng punong hukom. Matatanggalan ito ng katungkulan bilang isang gobernador-heneral ng lalawigan at dahil 'rin iyon sa tulong ni gobernador Carlos.

Naakusahang kaanib siya nang mga rebeldeng naparusahan 'rin noon ng kamatayan na siyang nanirahan at nanilbihan sa kaniyang mansyon. Kaya't walang pinagkaiba ang naparusahang kaniya 'ring matatanggap.

"Punong hukom Rodolfo hindi ito patas!"sigaw pa ni Francisco na napatayo habang galit na nakatingin sa kanila. Ngunit wala na siyang nagawa pa ng tuluyan nang ipukpok nang punong hukom ang malyete upang isara ang paglilitis, tumayo at wala nang salitang pinakawalan.

YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon