Kabanata 6

189 6 1
                                    

Ika-anim na Kabanata

MAGLALAKAD na sana siya pabalik sa mansyon ngunit isang kumakaripas na kalesa ang bumungad sa kaniyang harapan dahilan upang mapasigaw ang ilang mamimili. Napa-upo na lamang si Mina at hinintay ang pagtama sa kaniya ng kabayo ng kalesa.

Malakas na ingay ng kabayo ang namayani kasunod noon ay ang paghinto ng kalesa. Napamulat ng mata si Mina at nanlalaki ang kaniyang mata habang pinagmamasdan ang kalesa sa kaniyang harap.

Agad naman siyang tumayo at nagpunta sa gilid ng daan upang makapatuloy ang kalesa ngunit napakunot ang noo niya ng makita ang isang dalagang lulan noong kalesa, naka suot ito ng magarang baro't saya at halatang nabibilang ito sa matataas na uri ng pamilya.

Lumingon sa kaniya ang dalaga dahilan upang mapa-iwas siya ng tingin.

"Tingnan ninyo nagbalik na si señorita Victorina!" Sigaw ng isang babae habang nakaturo sa babaeng sakay ng kalesa. Bigla namang nag bago ang reaksyon sa mukha ng señorita at ngumiti ito ng maluwag.

Nanatili lamang ang paningin ni Mina sa kalesang iyon habang papalayo. Nang mawala na ito sa kaniyang paningin ay tiningnan niya ang paligid kung saan naroon nag uusap-usap na mga tao ukol sa señoritang napadaan.











"TILA malalim ang iyong iniisip aking kapatid." Nabaling ang paningin ni Joeliano sa kaniyang likuran at tipid siyang napangiti ng makita ang kaniyang ate Polonya.

"Tama ka, sapagkat tila narating ko na ang bayan ng dasmariñas dahil sa aking pag-iisip." Tugon niya dahilan upang sabay silang matawa. Lumapit si Polonya sa kinatatayuan ng kaniyang kapatid at kumapit siya sa braso nito.

"Bakit nasa bayan ng gobernadorcillo ang iyong isip Lanong?" Usisa pa ni Polonya saka niya 'rin tiningnan ang maliwanag na buwan. Lumawak naman ang ngiti sa labi ni Joeliano habang pinagmamasdan ang buwan.

"Pagmasdan mo ang maliwanag na buwan ate Polonya, kasing liwanag niyan ang aking nararamdaman para sa isang kakaibang binibini." Nakangiting saad niya dahilan upang mapatingin sa kaniya si Polonya.

"Nako. Ang aking kapatid tila umiibig na." Turan ni Polonya saka niya niyakap ang braso ng kapatid. "At nakasisiguro akong nasa bayan ng dasmariñas ang iyong sinisinta." Dagdag pa niya dahilan upang mapatawa ng kaunti si Joeliano.












"MALIGAYANG pagbabalik señorita Victorina." Nakayukong bati ni mayor doma Emilda sa señorita ng makapasok na ito ng mansyon, nakatayo naman sa kaniyang gilid ibang taga-silbi maliban kay Mina na ngayon ay abala sa pag-iigib sa balon.

Tumigil sa paglalakad si Victorina at matalim niyang tiningnan si mayor doma Emilda na hanggang ngayon ay nakayuko lamang.

"Maligaya? Hindi maligaya ang aking pagbabalik sapagkat naririto ka pa'rin." Seryosong saad ng señorita saka niya ibinuka ang kaniyang abaniko at itinakip sa kaniyang bibig.

"At batid ko kung bakit hindi mo magawang iwan ang iyong paglilingkod sa aking ama sapagkat hanggang ngayon ay may pagta-" hindi na naituloy pa ni Victorina ang kaniyang sasambitin ng biglang umalingawngaw ang boses ni gobernador-heneral Vicente.

Nakangisi namang nilingon ni Victorina ang hagdan kung naroon nakatayo ang kaniyang ama. "Bakit ngayon ka lamang?" Matigas na saad ng gobernador-heneral habang papalapit sa direksyon ni Victorina.

"Kararating ko lamang aking amang gobernadorcillo." Walang reaksyon saad niya.

"Batid kong narito kana kanina pang umaga." Saad ni gobernador Vicente habang seryosong pinagmamasdan ang kaniyang anak.

YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon