Ika labin-apat na Kabanata
MAGKASAMANG kumakain sa hapag ang mag-ama. Tahimik lamang ang mga ito at wala ni isang nagsasalita hanggang sa tumayo si Victorina at agad na tumalikod.
“Hindi ka man lang magalang na magpapaalam sa iyong ama?”usal ni gobernador-heneral Vicente saka binitawan ang mga kubyertos at nilingon ang anak na napatigil nang marinig ang tinig niya.
“Wala akong panahon upang makipag talastasan pa sa iyo.”tugon ni Victorina at akmang maglalakad na siyang muli nang magsalita ulit ang kaniyang ama.
“Matagal ka nang ganito, mula nang ika'y lumisan patungong europa at hanggang sa iyong pagbalik. Ano nga ba ang maari kong gawin upang tayo'y bumalik sa dati?”turan ng gobernador-heneral na tila nagpakababa upang maibalik ang kaniyang pinakamamahal na anak.
Unti-unti namang kumunot ang noo ni Victorina at hindi na niya nagawa pang pigilan ang kaniyang nagbabadyang luha sa kaniyang mata. “Nais kong ibalik mo ang buhay ng ina...”matigas na saad ng dalaga saka niya mabilis na nilingon ang kaniyang ama.
“Dahil iyon lamang ang makapagbabalik ng mga ngiti sa aking labi at tuwa sa aking puso.”turan nito habang pigil ang paghagulgol dahil sariwang-sariwa pa 'rin sa kaniyang ala-ala kung paano mamatay ang kaniyang ina na walang ibang ninais kung hindi ang makita ang kaniyang ama kahit na sa huling nitong sandali sa mundo.
Bulacan, 1884
"Ina!" Sigaw ng dalagitang si Victorina saka niya inakay ang kaniyang ina na hinang-hina na dahil sa dinadala nitong matinding maramdaman.
“Ayos lamang ako hija. A-Ang iyong ama? Sumulat na ba siya sa atin kung makararating siya?”mabagal na saad ni donya Remedios habang kunot noo na nakatitig sa mata ng kaniyang anak.
"W-Wala pang tugon si ama at noong nakaraang buwan pa po ako sumulat sa kaniya.”tugon ni Victorina at pinagmasdan niya ang mukha ng kaniyang ina. Namumutla na ang labi at maitim at malalim ang mga mata nito na lubos niyang inaalala.
“Marahil ay napopoot pa 'rin sa akin si Vicente dahil ako ang dahilan ng kaniyang pagkasawi sa kaniyang minamahal.”usal ng donya saka ito mapait na ngumiti.
“Ano ang iyong mga isinasalaysay ina?”tanong ng dalagita dahilan upang sulyapan siya ng kaniyang ina.
“Isa ako sa mga dahilan kung bakit nagdurusa ang iyong ama, nagpakasal siya sa babaeng kailan ma'y hindi niya minahal. Noon pa man ay tinatangi ko na ang iyong ama. Ngunit noong maikasal kami ay inakala kong mababago ko ang kaniyang damdamin ngunit ako 'y mali sapagkat hanggang ngayon ay si Lorente pa 'rin ang nilalaman ng kaniyang puso , habang ako ay naghihintay pa 'rin na kaniyang mahalin. Nais kong mahalin niya ako, anak.”salaysay ni donya Remedios saka ito tuluyan nang mapaluha.
“Batid kong hindi niya ako mamahalin ngunit umaasa pa 'rin akong mangyayari iyon. Hija, hindi na ako magtatagal pa. Pangalagaan mo ang iyong puso at huwag mong hayaang mahulog ka sa lalaking may minamahal nang iba, hindi ko nanaisin na matulad ang iyong kapalaran sa akin.”ngiti pa ng donya saka niya dahan-dahan na hinagkan ang anak.
Hindi pa man maintindihan ni Victorina ang mga isinalaysay sa kaniya ng ina ay batid niyang patungkol iyon sa isang binibining nagmahal ngunit ang pagmamahal na iyon ay hindi kailan man nasuklian.
Lumipas lamang ang ilang araw ay tuluyan ng binawian ng buhay si donya Remedios nang hindi man lang nasisilayan ang kaniyang lubusang minamahal. Lubusan ang paghihinagpis ni Victorina dahil sa pagkamatay ng kaniyang ina, hinintay niya ang kaniyang ama hanggang sa huling hantungan ni donya Remedios ngunit maging kahit na anino ng kaniyang ama ay hindi niya nasilayan.
BINABASA MO ANG
Yugto
Historical FictionMina Cortez, ang binibining may kakaibang wangis. Maputi at napakaputla ng kaniyang balat at maging kaniyang buhok. May asul na mga mata at may taglay na kagandahan. Buong buhay niya ay umikot lamang ang kaniyang mundo sa loob ng kanilang tahanan at...