Ika-dalawangpung Kabanata
DAHAN-DAHANG iminulat ni Mina ang kaniyang mga mata at agad siyang napahawak sa kaniyang tiyan at ramdam na ramdam 'din niya ang pananakit ng kaniyang buong katawan. Agad nadako ang kaniyang paningin sa kaniyang katawan ng maalala ang huling senaryo bago siya mawalan ng malay at nayakap na lamang niya ang kaniyang sarili dahil batid niyang nangyari na nga, nakuha na nang lalaking iyon ang kaniyang buong pagkatao.
Nakasuot na siya ng isang luma at kupas na baro at saya ngunit ang mas ipinagtaka niya ay hindi niya batid kung nasaan siya. Bumukas ang pinto ng silid, walang liwanag sa loob at nag uumpisa palang ang liwanag sa kalangitan kaya't hindi niya maaninag kung sino ang taong pumasok.
Ramdam niya na tumigil ito sa harap ng kaniyang kinauupuan. “Wala na siya.”turan nito dahilan upang lumawak ang kaniyang mata dahil nakikilala niya ang boses nito.
“H-Heneral Francisco? ”mahinang saad ni Mina habang pilit na inaaninag ang binata. Umupo ang binata sa papag at tahimik na pinagmasdan ang dalaga sapagkat naaaninag niya ito kahit kaunti.
“Nasaksihan ko kung paano siya patayin ng walang pag aalinlangan.”dagdag pa nito.
“Sino? Sino ang iyong tinutukoy?”kunot noong tanong ni Mina. Marami pa ang nabubuong taong sa kaniyang isipan, kung paano siya nakuha sa kamay ng gobernador at kung paanong naririto siya kasama si Francisco.
“Ang iyong matapang na kaibigan...ang pinuno ng mga rebelde.”tugon ni Francisco dahilan upang mapatakip ng bibig si Mina at pagsikip ng kaniyang dibdib dahil sa pagkabigla sa kaniyang mga narinig.
“KAKATAPOS lamang ng inyong kasal ngunit heto't wala na siya sa iyong tabi.”tawa ni doktor Julio habang humihithit ng tobacco at nakaupo sa harap ng gobernador.
Nasa magkabilang gilid naman nakatayo ang mga guwardiya civil at mga sundalo. “Nakikilala ko ang isa pang lalaking kasama ng kumuha sa aking asawa. Hindi ko masikmura na ang dating tinitingalang heneral ay kaanib na ngayon ng mga rebelde.”natatawang saad ni gobernador Edilberto at tulalang nakatingin sa ibabaw ng kaniyang mesa.
Kumunot naman ang noo ng doktor at tiningnan ang kaibigan. “Sino, si Francisco Pablo?”tanong nito ngunit hindi na siya tinugunan ng kaibigan at natawa na lamang ito habang tulala pa 'rin.
“Ipinaguutos ko na tugisin ninyo ang dating heneral na si Francisco Pablo at ibalik ninyo sa akin ang aking asawa!”seryosong turan ng gobernador at sa pagkakataong iyon ay wala nang makikitang tuwa sa kaniyang mukha at matalim na 'rin ang mga tingin nito.
Agad naman ang pagsaludo nang lahat at sabay-sabay na naglakad papalabas ng tanggapan.
LAHAT ay nagdadalamhati dahil sa pagkamatay ng kanilang pinuno na hanggang ngayon hindi nila batid kung saan inilibing ang katawan. Naglulupong-lupong ang lahat na pinangungunahan ni Ignacio. Mayroong nagliliyab na apoy sa gitna na kanilang pinaliligiran.
Nakaupo si Mina habang wala sa sariling pinagmamasdan ang apoy. Hindi pa 'rin siya makapaniwala na wala na ang palaging nagliligtas sa kaniya at wala na ang kaniyang kaibigan dahil sa ngayon ay kasama na nito ang lubos nitong iniibig sa kabilang buhay.
Natauhan si Mina nang marinig niyang umingay ang lahat, inilibot niya ang kaniyang paningin at napakaseryoso ng lahat at ang iba ah nakikipag debate ng salita kay Ignacio. Nadako ang kaniyang paningin kay Francisco na noo'y nakatingin na sa kaniya.
“Ano ang tinuran ni Ignacio?”tanong niya ngunit napalingon siya sa isang ginoo nang lakas loob itong magsalita ng sariling saloobin.
“Isang babae? Hindi iyon maganda sa aming paningin Ignacio pagkat ang mga kababaihan ay lubhang mahina kumpara sa ating mga kalalakihan. Napakaimposible ng ninanais ni Teofilo.”saad nito saka napatingin sa direksyon ni Mina. Natigilan naman si Mina nang marinig iyon at tumayo siya.
BINABASA MO ANG
Yugto
Historical FictionMina Cortez, ang binibining may kakaibang wangis. Maputi at napakaputla ng kaniyang balat at maging kaniyang buhok. May asul na mga mata at may taglay na kagandahan. Buong buhay niya ay umikot lamang ang kaniyang mundo sa loob ng kanilang tahanan at...