Kabanata 11

118 2 0
                                    

Ika-labing isang Kabanata

MAKAILANG ulit pa nilang narinig ang mga putok ng baril na nagmumula sa mahahabang baril ng dalawang guwardiya civil bago ito tuluyang mawala.

Tahimik lamang ang dalawa habang pinakikiramdaman ang mga guwardiya. Mabilis ang tibok ng puso ni Mina dahil sa kaniyang matinding kaba dahil akala niya ay mahuhuli siya ng dalawang iyon.

Dahan-dahan nadako ang paningin niya sa ginoong nagligtas sa kaniya upang hindi siya makita ng mga ito. Ilang minuto niyang tinitigan ang lalaki dahil patuloy pa 'rin ito sa pagmamasid.

"Halika sumama ka sa akin upang malunasan ang iyong nagdurugong sugat." Agad na napaiwas ng tingin ang dalaga ng magtama ang kanilang mga paningin at binalingan niya na lamang ang kaniyang saya na marumi na dahil sa kaniyang pagkadapa.

"H-Hindi ako maaaring sumama sa iyo, hindi kita kilala at isa akong taga-silbi sa mansyon ng gobernador-heneral." Tugon niya.

"Batid ko. Ikaw ang anak nina Marcelo at Flordelisa, ikaw ang matagal na naming hinahanap." Turan ng lalaki saka nito tinanggal ang tela sa kaniyang mukha.

"Ako si Teofilo at mapagkakatiwalaan mo ako." Kunot noong saad nito sabay angat ng kamay upang alukin muling sumama sa kaniya ang dalaga.

"Kaya't pakiusap, mas makabubuti sa iyo kung ika'y aking dadalhin sa aming kuta." Dagdag pa nito habang pinagmamasdan ang dalaga.








PAIKA-IKA ang ginagawang paghakbang ng dalaga at akay 'rin siya ni Teofilo. Magbubukang liwayway na nang marating nila ang isang tagong barrio kung saan namamalagi ang mga kaanib sa samahang rebelde. Ito ang samahang rebelde sa dasmariñas, ito ay pinamumunuan pa 'rin ni Teofilo ngunit mayroon siyang kanang kamay upang maging pansamantalang pinuno.

Pinasok nila ang isang kubo, madilim sa loob noon at walang nakasinding gasera. Naglakad sandali si Teofilo patungo sa isang maliit na mesa kung saan naroon ang gasera at unti-unti nang nagliwanag sa loob ng kubong iyon.

"Maupo ka at ako'y kukuha lamang ng mga halamang gamot upang maipang-lunas sa iyong sugat." Mahinang sambit nito at hindi na nilingon pa ang dalaga at agad na 'rin itong lumabas ng kubo.

Pinagmasdan ng dalaga ang mga kagamitan na naroon sa kubong iyon. Mga armas ang naroon tulad ng mga itak, palaso at mayroon pang mga kawayan na matulis ang dulo. Natigilan siya nang maalala niya ang mansyon sa hacienda Arcillas. Hindi niya batid kung ano ang maaring kahinatnan nang kaniyang pagkawala sa mansyon, lalo na dahil batid niya 'rin na nag-aalala na sa kaniya ang kaniyang itinuturing na ina.








"NAGSASABI po ako nang totoo mayor doma, hindi ko po nilagyan ng kahit na anong lason ang alak na inihandog kay heneral Edilberto." Tumatangis na saad ng isang serbidora habang nakaluhod at magkadikit ang dalawang palad habang nakayukong nakaharap sa mayor doma.

"Kung hindi ikaw ang naglagay ng lason at nagdala ng alak na iyon kung gayon sino?!" Sigaw ng mayor doma habang isa-isang pinagmasdan ang mga nakahelerang taga-silbi sa kaniyang harap. Ngunit napakunot ang kaniyang noo nang mapansing wala si Mina sa hanay na iyon.

"Si Mina, nasaan si Mina?!" Pasigaw niyang tanong dahilan upang mapalingon sa isa't-isa ang mga taga-silbi.

"Mayor doma Emilda, kagabi ay aking nakita si Mina na siyang naghandog ng inuming alak sa heneral, kung kaya't nakasisiguro akong siya 'rin ang nagtangkang lumason sa heneral at ang makapagpapatunay ay ang kaniyang pagtakas dahil kanina ay nagtungo ako sa kaniyang silid at hindi ko siya nadatnan roon." Napalingon si mayor doma Emilda kay Rowena na nakayukong sinambit iyon.

YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon