[Ika-pitong Kabanata]
"SINO ang munting binibining iyon?" Tanong ni Mina sabay turo sa dalagitang nasa tindahan.
"Siya ay aking pinsan." Nakangiting sambit ni Francisco habang pinagmamasdan ang maaliwalas na mukha ni Mina dahil nakatingin pa 'rin ito sa kaniyang pinsan.
"Halika na, sasabayan na kita sa iyong paglalakad pabalik sa hacienda Arcillas." Muling saad ni Francisco dahilan upang mapatingin sa kaniya si Mina at naalala niya ang mga sinambit sa kaniya ni mayor doma Emilda noong gabi.
"Hindi na kailangan ginoo, dahil kaya ko na ang aking sarili." Nakayukong sambit ni Mina saka siya naunang maglakad. Lihim naman na natawa si Francisco at hinabol niya ang paglakad ni Mina.
"Nais pa 'rin kitang sabayan sa paglalakad." Kunot naman ang noo ni Mina nang muli niyang lingunin ang heneral dahil sa kakulitan nito.
Hindi na siya nagsalita pa at tinuon na lamang niya ang kaniyang pansin sa daan.
Habang naglalakad sila ay lihim na sinusulyapan ni Francisco ang dalaga hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na sulyapan ito dahil kahit na hindi ito nakangiti ay napakaganda pa'rin nito. Nadako ang kaniyang paningin sa kamay ng dalaga kung saan nito hawak ang rosas na kaniyang ibinigay kumunot ang noo niya nang makita ang pamumula ng balat ng dalaga.
"Ang iyong kamay." Kunot noong usal niya habang nakatingin pa 'rin sa kamay ng dalaga. Natuon naman ang pansin ni Mina sa kaniyang kamay at hinaplos niya iyon.
"Ayos lang. Sanhi lamang ito ng matinding sikat ng araw." Paliwanag niya saka niya nilingon si Francisco dahilan upang mapasingkit ang kaniyang mata dahil sa liwanag.
Lumingon naman si Francisco sa tindahan na kanilang nilagpasan at saka niya muling binalingan ng tingin ang dalaga. "Hintayin mo ako rito." Saad niya at saka siya tumakbo patungo sa tindahan.
Agad naman siyang sinundan ng tingin ni Mina, nais niya na lamang mag patuloy sa paglalakad dahil hindi siya dapat makita ni mayor doma Emilda na kasama ang heneral.
Magpapatuloy na sana siya nang marinig niya ang boses ng heneral kaya nilingon niya ito at nagulat siya ng makita ang hawak nito. "Ipagpatuloy na natin ang paglalakad." Ngiti ni Francisco saka niya binuksan ang kaniyang hawak na payong de hapon.
Hindi niya ipinakita ang kaniyang pagkabigla sa halip ay yumuko na lamang siya at napatitig sa rosas sa kaniyang kamay at sinimulan muling maglakad.
"Sa aking palagay madaling mamula ang iyong balat sa sikat ng araw."sambit ni Francisco nang hindi nililingon ang dalaga. Hindi na nagsalita pa si Mina at mas pinili niya na lamang na pakinggan ang mga sinasambit ng heneral.
Ilang sandali pa ay narating na nila ang hacienda. "Kunin mo ito, magagamit mo itong muli upang hindi mamula ang iyong balat dulot ng araw." Saad ni Francisco saka niya inabot ang payong de hapon kay Mina. Nanatili lamang na nakayuko si Mina at nakatingin sa lupa.
"Hindi maaari ginoo, salamat sa iyong ginawa ngunit ako 'y tutuloy na." Sambit niya sa malambing na boses at tumalikod na siya at naglakad papasok ng hacienda. Nakatingin lamang si Francisco habang pinagmamasdan ang dalaga saka niya hinubad ang kaniyang sumbrero at itinapat sa kaniyang dibdib.
"Walang anuman." Nakangiti niyang sambit at walang kurap pa 'rin siyang nakatingin sa daan kung saan nagtungo si Mina.
Nawala ang ngiti sa kaniyang labi nang madako ang kaniyang paningin sa bintana kung saan naroon ang silid ng señorita sa ikalawang palapag. Naroon si Victorina, seryoso itong nakatitig sa kaniyang mata habang mahinang ipinapaypay sa sarili ang abaniko.
BINABASA MO ANG
Yugto
Historical FictionMina Cortez, ang binibining may kakaibang wangis. Maputi at napakaputla ng kaniyang balat at maging kaniyang buhok. May asul na mga mata at may taglay na kagandahan. Buong buhay niya ay umikot lamang ang kaniyang mundo sa loob ng kanilang tahanan at...