Ika labing pitong Kabanata
MARIIN na sinasalubong ni Teofilo ang hangin at hampas ng ulan at pilit na inaaninag ang daan upang hanapin si Mina. Basang basa na siya at nilalamig. Ilang oras na 'rin siyang naghahanap ngunit hindi niya masumpungan ang dalaga.
Mahigpit siyang napahawak sa tali ng kabayo ng bigla nitong iangat ang unahang paa nito. Pinakalma niya ito at saka siya bumaba at hinila na lamang ito. Mahamog ang daan ngunit mayroon siyang naaninag na maaring pagsilungan. Naglakad siya patungo roon habang hawak ang tali ng kabayo.
Naupo siya at napahinga ng malalim. Nilalamig na siya ngunit hindi pa 'rin siya titigil sa paghahanap hangga't hindi niya nakikita ang dalaga.
“ANO ang iyong ginagawa rito?”
Tulad nang kanilang unang pagtatagpo ay parehas na pakiramdam pa 'rin ang kanilang naramdaman. Magkahalong kaba at tuwa ngunit mas matindi ang kasiyahan sa kanilang puso.
Hindi nakatugon ang dalaga at nanatili lamang itong nakatitig sa mukha ni Joeliano. Mabilis na hinubad ng binata ang suot niyang saco(coat) at ipinatong niya iyon sa balikat nito.
Ilang sandali pa ay biglang naalala ni Joeliano ang tinuran ng kaniyang ama ukol sa hinihingi nitong kapalit upang mapalaya sa kasal ang kaniyang kapatid. Dahan-dahan niyang tiningnan si Mina at pilit na pinipigilan ang sarili upang gawin ang sinasabi ng kaniyang isip.
“Binibining Mina?!”
Kapwa sila napalingon sa papalapit na lalaki. Madilim kung kaya't hindi nila maaninag kung sino ang taong iyon. “Kanina pa kita hinahanap at maging si tatay Arturo.”dagdag pa nito at sa pagkakataong iyon ay nakilala na nang dalaga ang boses nito.
Tuluyan ng tumitila ang pagbuhos ng ulan at nagawa na 'ring makalapit ni Teofilo sa kinatatayuan nang dalawa. “Halika na.”turan pa ni Teofilo habang diretsong nakatingin sa dalaga. Napalingon naman si Mina kay Joeliano at ibabalik sana niya ang kasuotan nito ngunit nagsalita ito.
“Isuot mo na iyan upang hindi ka lamigin.”ngiti niya habang nakatitig sa mata ng dalaga. Tumango naman si Mina at naglakad papalapit kay Teofilo.
SERYOSO ang mukha ni Joeliano habang tahimik na nakaupo sa tabi ng bintana sa kaniyang silid. Ano nga ba ang gagawin niya? Nais niyang tulungan ang kaniyang kapatid ngunit papaano naman ang babaeng iniibig niya?
“Binibini!”napalingon siya sa pinto ng kaniyang silid at mabilis siyang tumakbo papalabas at nakita niya ang isang taga-silbi sa tapat nang nakabukas na silid ng kaniyang ate Polonya.
Mabilis siyang nagtungo sa loob ng silid at nanlaki ang kaniyang mata ng makita si Polonya, nakaupo ito sa bintana at tila may balak itong tumalon at magpatiwakal.
“A-Ate...”usal niya habang nag aalalang nakatingin sa kaniyang kapatid. Wala ang kanilang ama at ina at maging si heneral Edilberto sa mansyon. Tanging silang magkakapatid lamang ang naiwan.
“Ate Polonya!”sigaw naman ni Joselito saka ito tumakbo papasok sa loob ng silid. Dahan-dahan naman silang nilingon ni Polonya, bakas sa mukha nito ang matinding pagkabalisa, maitim na 'rin ang ibabang mata nito dahil hindi na 'rin ito maayos na nakakatulog sa gabi.
“Huwag niyo na akong alalahanin mga kapatid ko.”nakangiting saad nito kasabay ng pag agos ng luha nito. Tatalon na sana ito ngunit mabilis na tumakbo si Joeliano at niyakap niya sa baywang ang kaniyang ate at puwersahang hinila papasok sa loob ng silid.
“Ate...pakiusap huwag mong gawin ito. Hahanapin ko si Mina at dadalhin ko kay ama!”saad ng binata at tuluyan na 'rin siyang tumangis kasabay ni Polonya.
BINABASA MO ANG
Yugto
Historical FictionMina Cortez, ang binibining may kakaibang wangis. Maputi at napakaputla ng kaniyang balat at maging kaniyang buhok. May asul na mga mata at may taglay na kagandahan. Buong buhay niya ay umikot lamang ang kaniyang mundo sa loob ng kanilang tahanan at...