Ika-labing anim na Kabanata
ILANG araw na ang nakalipas mula nang pumanaw si Lita. Malaki ang ipinagtaka nang lahat sapagkat kahit na minsan ay hindi nila nakitang umiyak si Teofilo. Madalas lamang itong mapag-isa at subsob sa gawain o kung minsan naman ay doon na ito nagpapalipas ng araw sa itaas ng bundok.
Sinubukan na 'ring lapitan ni Mina si Teofilo ngunit naisip niyang mas nanaisin nitong walang maka-usap. Palagi niya itong sinusundan sa bundok at inaalam kung doon ba nito binubuhos ang sama ng loob ngunit ang inaasahan niyang iyon ay hindi niya nakita sapagkat tahimik lamang itong nakaupo habang hawak ang itak at nakatanaw sa payapang kapaligiran.
Napaupo na lamang siya at napasandal sa malaking puno kung saan siya nagkukubli. Pareho sila nang nararamdaman dahil ilang mahahalagang tao na 'rin ang nawala sa kaniya lalo na ang kaniyang mga magulang.
"Hindi ka ba napapagod na sundan ako?"napalingon siya nang marinig ang boses ni Teofilo at agad siyang napatayo nang makita niya itong nakatayo at nakatingin sa kaniya, nakalapit na ito sa kaniyang kinauupuan.
"B-Batid mo?"usal niya na agad 'ring tinanguan ng binata saka muling inilibot ang paningin at naupo. Naupo na lamang muli siya at sandaling nakiramdam.
"Minsan....Kailangan 'rin ng isang tao na ilabas ang nararamdam ng kaniyang puso upang hindi iyon sumikip ng tuluyan."usal ni Mina habang nakatanaw sa kapaligiran, napalingon naman sa kaniya si Teofilo.
"Ano ang iyong ibig ipahiwatig?"
Dahan-dahan naman ipinataw ni Mina ang kaniyang tingin sa binata saka niya ito nginitian. "Simula nang mawala si Lita ay hindi kita nakitang umiyak o magluksa."tugon niya habang nakatitig pa 'rin sa mata ng binata. Napangiti naman si Teofilo saka napaiwas ng tingin ngunit ang ngiting iyon ay may bahid ng pait at lungkot.
"Hindi mo ako kailangang alalahanin pa sapagkat ayos lamang ako."ngiti nang binata. Napangiti naman ng mapait si Mina. "Hindi mo kailangang mag panggap sa akin Telong. Hindi ba't tayo'y mag kaibigan? Narito ako upang dumamay sa lungkot na iyong nararamdaman."saad pa nang dalaga, sandali namang hindi nakatugon si Teofilo ngunit nanatili itong nakaiwas ng tingin sa dalaga.
Maya-maya pa ay naririnig na ang paghikbi nito at walang tigil sa punas ng luha na umagos sa kaniyang pisngi. Marahan naman na tinapik ni Mina ang likod nito at hindi niya na 'rin naiwasan pang lumuha.
"NAIS kong maikasal sa iyong panganay na anak doktor Julian at ito'y mamadaliin ko na. Nais kong maikasal kami sa lalong madaling panahon."seryosong usal ni heneral Edilberto.
Nanlaki naman ang mata ni Joselito nang marinig iyon at mabilis siyang napasulyap sa kaniyang ate na natigilan 'rin sa pagkain. Wala 'ring imik si donya Palma sapagkat hindi siya maaring makisawsaw sa upasan ng dalawa.
"Walang problema heneral lalo pa at nais ko na 'rin na makapangasawa si Polonya."tugon ni doktor Julio na sinabayan pa ng malakas nitong paghalakhak.
Nakayuko naman si Joeliano habang hawak nang napahigpit ang kubyertos sa kaniyang kamay na nais na niyang itarak sa lalamunan ng heneral.
Nang matapos ang kanilang agahan ay tulala si Polonya sa kaniyang silid habang nakatanaw sa bintana. "Ayokong maikasal Lanong."usal ni Polonya nang maramdaman niya ang presensiya ng kaniyang kapatid na pumasok sa kaniyang silid. Hinarap niya si Joeliano na kunot noo at magkadikit 'rin ang kaniyang dalawang kamay dahil sa sobrang kaba.
"Napakarami ko pang nais maranasan, mapuntahan at ayoko pang matali sa isang lalaki lalong lalo na sa heneral na iyon."dagdag pa nito habang nakatingin sa kapatid. Naupo si Joeliano sa harap ni Polonya. "Huwag kang mag alala ate, dudulog ako kay ama ngayon din."tugon ng binata saka niya hinagkan ang kaniyang nakatatandang kapatid.
BINABASA MO ANG
Yugto
Historical FictionMina Cortez, ang binibining may kakaibang wangis. Maputi at napakaputla ng kaniyang balat at maging kaniyang buhok. May asul na mga mata at may taglay na kagandahan. Buong buhay niya ay umikot lamang ang kaniyang mundo sa loob ng kanilang tahanan at...