Ikatlong Kabanata
"LANONG huwag ka nang lumayo at maya-maya tayo'y lilisan na."saad ng ina ni Joeliano habang binibihisan nito ang kaniyang nakababatang kapatid na si Joselito.
"Ina, nasa laguna po ba ang aking kapatid na si Ate Polonya?" Tanong niya na agad 'ring tinanguan ng kaniyang ina.
"Kung gayon nasasabik na akong magtungo sa laguna"saad niya at isinuot ang kaniyang sumbrero.
"Mamamasyal po ako sa bukirin ni heneral Edilberto" dagdag pa niya saka naglakad papalabas ng kanilang tinutuluyang bahay.
Naglakad-lakad siya hanggang sa marating niya ang bukirin, wala nang mga magsasaka sa bukid dahil maaga ang mga itong natapos. Madilim na 'rin kaya't sariwang hangin ang patuloy na dumadampi sa kaniyang balat.
"Talaga ngang magkawangis tayo munting sampaguita" napatingala si Joeliano sa ikalawang palapag na bahay na nakatayo Malapit sa bukirin.
"Mayroong binibini sa tahanan na ito?"Usal niya habang nakatingala pa 'rin sa nakasarang bintana sa ikalawang palapag.
Dahil sa kaniyang kuryosidad ay naupo siya roon at hinintay na dumungaw ang munting binibini sa bintana.
Lumipas ang kalahating oras ay tila nainip na si Joeliano sa paghihintay at naisipan na niyang umalis na lamang ngunit nang maglalakad na sana siya ay biglang bumukas ang bintana at natulala siya nang makita ang isang kakaibang binibini.
Napakaputi ng balat nito at maging ang mahabang buhok, pilik mata, kilay at hindi rin normal ang kulay ng labi nito dahil maging iyon ay puti rin o napakaputla.Tila tumigil ang pagtakbo ng oras para sa kaniya dahil hindi niya maipagkakailang ang binibining iyon ay may taglay na kagandahan.
BINABASA MO ANG
Yugto
Historical FictionMina Cortez, ang binibining may kakaibang wangis. Maputi at napakaputla ng kaniyang balat at maging kaniyang buhok. May asul na mga mata at may taglay na kagandahan. Buong buhay niya ay umikot lamang ang kaniyang mundo sa loob ng kanilang tahanan at...