Ika-walong Kabanata
NATIGIL sa paglalakad si Mina at napatingin sa ilang taong nagkukumpulan. Tapos na siyang mamili ng mga ipinag-utos sa kaniya ni mayor doma Emilda kaya't siya'y pauwi na.
Naglakad siya palapit sa mga taong iyon upang tingnan kung anong ganap ang nangyayari roon.
"Pakiusap ginoo, ang prutas ang inyong patamaan at hindi ako." Mangiyak-ngiyak na saad ng isang lalaki, kasalukuyan itong may isang mansanas sa ulo at nakasandal sa isang puno.
"Mang Pitong ikaw ba'y walang tiwala sa akin?" Ngising saad ng isang binatilyo saka nito sinimulang hatakin ang tali at ang palaso. Napapikit na lamang dahil sa takot si Mang Pitong.
Napabuga ng hangin ang binatilyo saka niya mabilis na pinakawalan ang palaso at mabilis 'rin itong bumaon sa prutas na nasa ulo ni Mang Pitong.
Napuno naman ng palakpalakan ang mga taong nakasaksi at maging si Mina ay napapalakpak 'rin dahil sa kamangha-manghang ginawa ng binatilyo. Ngunit nagulat siya nang humarap ang binatilyong iyon, hindi siya maaring magkamali dahil ang binatilyong iyon ay si Anaceto ang binatilyong magsasaka na kaniyang nakilala sa pagdiriwang sa hacienda ni heneral Edilberto.
Gayundin ang naging reaksyon nito nang mabaling ang patingin kay Mina. "Sandali lamang binibini tila ika'y aking nakikilala."turan nito saka nilapitan ang dalaga.
Nakatingin lamang sa kanila si Mang Pitong habang tinatanggal nito ang palaso na bumaon sa prutas. "Tama ikaw nga iyon!" Nakangiting saad ng binatilyo.
Napasulyap si Mina sa ibang tao dahil nakuha ng binatilyo ang atensyon ng ilan sa mga iyon dahil sa lakas ng boses nito. Itinakip ni Mina ang kaniyang suot na balabal sa kaniyang kalahating mukha upang hindi siya pagtinginan ng tao.
"Anong nangyari sa iyo bata, hindi ba't isa ka lamang magsasaka ngunit ngayon ay tila napakataas na nang estado ng iyong pamumuhay." Turan ni Mina dahilan upang mamilog ang mata ng binatilyo at napasulyap sa kanilang kutserong si Mang Pitong.
"Paumanhin kung ako'y nagsinungaling noon gabing iyon ngunit ako'y hindi totoong magsasaka at hindi Anaceto ang tunay kong ngalan" Tugon nito na ikinakunot ng noo ng dalaga.
"Kung gayon sino ka?" Tanong pang muli ng dalaga.
"Ako si Joselito Crisologo ang bunsong anak ng kilalang doktor na si doktor Julio Crisologo." Tugon nito dahilan upang mabigla siya ng marinig ang ngalang Crisologo. Dahil pakiwari niya'y narinig na niya iyon.
Nabaling ang paningin ni Mina sa kalesang dumaan at nakita niyang ang sakay noon ay si señorita Victorina at si Rowena na matalim ang tingin sa kaniya. Napayuko na lamang siya hanggang sa makalagpas ito at muli niyang hinarap si Joselito.
"Napakahusay mong gumamit ng palaso sana'y maibahagi mo sa akin ang iyong kaalaman sa pamamana, paumanhin ngunit sa ngayon ay kailangan ko nang magbalik sa aking pinagsisilbihang hacienda." Ngiti niya at hindi na niya hinintay pa ang tugon ng binatilyo dahil mabilis na siyang naglakad papalayo.
Nakatanaw lamang si Joselito hanggang sa makalayo na si Mina.
"Jose, tayo nang pumaroon sapagkat magsisimula na ang misa!" Napalingon siya ng tawagin siya ng kaniyang kuya.
"Oo kuya Lanong!" Tugon niya at sumakay na siya sa kalesa at pinatakbo na iyon ni Mang Pitong.
"HINDI na ako sasabay sa inyong pag-uwi, ina. Nais kong maglibot-libot." Nakangiting saad ni Joeliano sa kaniyang ina. Kakatapos lamang ng misa kaya't napakaraming tao ang nasa bungad ng simbahan, nag-uusap at nagkukumustahan.
BINABASA MO ANG
Yugto
Historical FictionMina Cortez, ang binibining may kakaibang wangis. Maputi at napakaputla ng kaniyang balat at maging kaniyang buhok. May asul na mga mata at may taglay na kagandahan. Buong buhay niya ay umikot lamang ang kaniyang mundo sa loob ng kanilang tahanan at...