Kabanata 13

105 4 0
                                    

Ika labin-tatlong Kabanata

“KAILANGAN kong magtungo roon, nais kong makita si mayor doma Emilda pakiusap bitawan ninyo ako!” sigaw ni Mina habang humahagulgol ng iyak. Hawak siya sa braso ni tatay Arturo at Teofilo ngunit makailang beses na 'rin itong nakawala sa kanilang pagkakahawak.

“Nakikiusap ako!”muli niya pang sigaw at pag pwersa dahilan upang muli siyang makawala sa pagkakahawak ng mga ito at dali-dali siyang tumakbo patungo sa kabayong sinakyan nila noong nagtungo sila sa kuta.

Tinanggal niya ang pagkakatali noon at agad na sumampa at pinatakbo ng mabilis. “Mina hindi ka pa magaling sa pangangabayo, pakiusap bumalik ka!"sigaw ni Teofilo ngunit hindi na iyon pinakinggan ng dalaga at habang tinatahak ang daan patungo sa dasmariñas ay patuloy pa 'rin ang pag-agos ng kaniyang luha.

TUMATANGIS ang lahat ng taga-silbi sa loob ng mansyon nang gobernador-heneral maliban kay Rowena na nagdiriwang kasama ang señorita dahil sa wala na ang pinakapopootan nilang dalawa.

Samantala, tahimik naman ang loob ng tanggapan habang nakaupo sa silya si gobernador-heneral Vicente. Hindi na niya napigilan pa ang kaniyang sarili na lumuha dahil ang itinuring niyang kaibigan na siyang kaibigan 'rin ng unang babaeng kaniyang sininta ay wala na. Lumisan si mayor doma nang malungkot ngunit may kaunting tuwa 'rin dahil inalay niya ang kaniyang buhay sa mga mahal niya.

Pinahid ng gobernador-heneral ang luhang dumausdos sa kaniyang pisngi at napalingon sa naiwan niyang bukas na bintana. Napakunot ang kaniyang noo nang makita ang isang puting balabal na napapatungan ng isang nakatuping papel. Tumayo siya at naglakad patungo roon at kinuha ang mga bagay na iyon.

Una niyang binuklat ang papel kasabay ng kaniyang pagkabigla nang mabasa ang unang bahagi ng sulat na nagmula at sulat kamay ni mayor doma Emilda.




HINDI niya batid kung saan siya magtutungo o kung saan niya hahanapin ang mayor doma, ang tanging nasa kaniyang isip ay ang magtungo sa hacienda Arcillas.

“¡Oye, espera, detente!”(hey wait stop!)

Napalingon siya sa kaniyang likuran at nanlaki ang kaniyang mata ng makita ang dalawang sundalong sakay ng mga kabayo at humahabol sa kaniya. Hindi siya maaaring ihinto ang kabayo sapagkat tila nahihinuha na niya ang kahihinatnan ng mga magaganap sa oras gawin niya iyon.

Muli niyang nilingon ang mga sundalo at agad 'rin na ibinalik at tingin sa daan ngunit agad niyang nahila ang tali ng makita ang papasalubong na karwahe dahilan upang mapahalinghing ng malakas ang kabayo na sinabayan pa ng pagtayo nito dahilan ng kaniyang pagkalaglag, tumakbo ng mabilis ang kabayo ng huminto ang mga sundalong nakasunod sa dalaga.

Pinilit niyang makatayo ngunit hindi na niya nagawa pa dahil sa masama niyang pagbagsak at nagkaroon na 'rin siya ng mga galos sa binti at braso.

“Estoy seguro de que es la mujer que nuestro general quiere arrestar.(I'm sure this is the woman our general wants to arrest.)”saad ng isang sundalo saka nito nilapitan ang dalaga at pinagmasdan mabuti.

“arrestémoslo e informemos al general rápidamente.(Let's arrest him and report to the general quickly.)” mabilis na tugon ng isa pa at saka nila pilit na itinayo si Mina at itinali ang mga kamay nito.



NAPA-ANGAT ng ulo ang dalaga nang kaniyang marinig ang pagbukas ng selda kung saan siya naroroon. Biglang siniklaban ng kaba ang kaniyang puso ng makita ang heneral na lubos niyang kinamumuhian.

“Me alegro de haberte vuelto a ver.(I'm glad I saw you again.)”bungad nito habang malawak na nakangiti, itinaas nito ang kanang kamay upang sinenyasan ang mga tauhan na sundalo na maghintay na lamang sa labas ng selda.

YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon