Ika labin-limang Kabanata
“TATAY Arturo!”saad ni Mina saka niya hinagkan ang matanda at hindi na naiwasang maluha. Nakasunod naman sa kaniya sina Teofilo, Ignacio at ang babaeng hanggang ngayon ay hindi niya pa nakikilala.
“Kumusta ka hija, lubos akong nag alala sa iyo.”turan ng matanda saka nito hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga at natuon ang paningin niya kay Teofilo na noo'y nagtanggal na nang tela na siyang nakukubli sa kaniyang mukha.
“Maraming salamat Telong, kahit na kailan ay hindi mo ako binibigo.”saad nito saka napatango sa binata. Nagtanggal na 'rin ng tela si Ignacio sa kaniyang mukha saka ito napangiti dahil napagtagumpayan nilang iligtas si Mina.
Dahan-dahan naman na napalingon si Mina sa babaeng hanggang ngayon ay nagkukubli sa tela ang pagkakakilanlan. “Tila nakikilala ko ang iyong tinig, sino ka?”tanong ng dalaga habang kunot noong nakatitig sa mata ng babae. Napatingin naman ito kay Teofilo at tinanguan siya nito.
Dahan-dahang tinanggal ng babae ang tela sa kaniyang mukha na sobrang ikinagulat ni Mina.
“Lita?”usal ni Mina habang pinagmamasdan ang mukha ng dalaga. Si Lita ang isa sa mga taga-silbi sa mansyon ni gobernador-heneral Vicente at siya 'rin ang kasintahan ni Teofilo na piniling maging isang espiya upang magbigay impormasyon sa kanila.
“Siya ang aking tinutukoy na aking kasintahan at siya 'rin ang aming espiya sa hacienda ni gobernador-heneral Vicente.”saad ni Teofilo habang nakangiting nakatingin kay Mina.
“Ako ay humihingi ng paumanhin sa iyo Mina, sapagkat hindi kita kinakausap noong tayo'y nasa hacienda ng gobernador-heneral. ”turan ni Lita saka ito ngumiti na labas ang ngipin. Tumango na lamang si Mina bilang tugon at ngumiti 'rin.
“Hindi na ako magtatagal pa rito Telong, kailangan ko nang makabalik sa dasmariñas upang malaman ko ang kasalukuyan nangyayari roon. Nais ko 'ring malaman kung ano ang nangyari kay heneral Francisco. ”usal ni Lita habang diretsong nakatingin sa mata ng kaniyang kasintahan.
“Mag-iingat ka.”wika ni Teofilo saka nito hinawakan ang kaliwang pisngi ni Lita at ilang sandaling nagtitigan.
“Pakiusap Lita, ibalita mo sa akin ang nangyari sa heneral.”saad ni Mina na agad ding tinanguan nito.
“MGA inutil!”sigaw ni heneral Edilberto saka nito pinaghahagis ang nga bagay na kaniyang mahawakan. Sobra itong nagalit at nagwala nang mabalitaang nakatakas si Mina sa piitan sa tulong ng tatlong rebelde.
“Hindi naman na makagalaw sa kinatatayuan nila sina Joselito at Polonya. Nagitla sila dahil sa pagwawalang iyon ng heneral.
“Huminahon ka heneral.”suway naman ni doktor Julio upang makalmahin ang kalooba ng heneral.
Samantala, dahan-dahan namang naglakad si Joeliano na noo'y nasa ikalawang palapag upang silipin kung ano ang nangyayaring gulo sa ibaba. Nakita siya ang kaniyang ama at si heneral Edilberto, nadako ang paningin sa kaniya ng heneral. Matalim ang mga ibinigay nitong titig sa kaniya na kaniya namang nilabanan.
Nabalitaan na 'rin niya ang nangyari kaya't nagpapasalamat siya sa nangyari ng iyon. “Julio halika, sumunod ka sa akin.”mahinahon na turan ng heneral saka nito ibinaling paningin kay doktor Julio. Naunang naglakad si heneral Edilberto paakyat ng hagdan, hindi na nito muling sinulyapan ang binata sa halip ay dire-diretso itong pumasok sa sarili nitong silid kasama ang kaniyang ama.
SAMANTALA, nasa pagamutan naman si Francisco. Hindi pa ito nagigising at nagpapagaling sa tinamo nitong sugat sa kaniyang tiyan. Noong gabing iyon matapos niyang saksakin ang kaniyang sarili ay agad naman na dumating ang ilang mga guwardiya civil, dinala siya ng mga ito sa pagamutan upang mabilis na magamot at malunasan ang sugat nito.
BINABASA MO ANG
Yugto
Historical FictionMina Cortez, ang binibining may kakaibang wangis. Maputi at napakaputla ng kaniyang balat at maging kaniyang buhok. May asul na mga mata at may taglay na kagandahan. Buong buhay niya ay umikot lamang ang kaniyang mundo sa loob ng kanilang tahanan at...