Pumunta kaagad nang ospital si Gabriel na nagmamadali kasama si Ali, naabutan naman niyang tinakpan nang kumot ang Ina niya habang nasa loob nang emergency room.
Gabriel: Mama!!!
Hindi makapaniwala si Gabriel na makita ang Ina na walang buhay, napasigaw na lamang siya na hindi matanggap ang pagkamatay nito.
Ali: Anong nangyari?
Reb: Binaril siya habang papasok sa sasakyan niya, namatay rin ang mga security niya. Inaalam na ni Sir Alex kung sino ang may kagagawan nito.
Tulala si Gabriel sa tabi habang nasa morgue ang Ina niya, dumating naman si Alex doon at napansin niya kaagad ito na nilapitan habang masama ang loob.
Gabriel: Kayo ang may kasalanan nang lahat nang ito! Kung hindi nagpakasal ang Mama ko sa inyo, buhay pa sana siya ngayon at kasama ko!! Kayo ang sumira nang pamilya namin!
Ali: Kuya, tama na! Wag mong sisihin si Papa sa nangyari sa Mama mo!
Alex: Ali, pabayaan mo siya.
Ali: Bakit hindi niyo na lang sabihin sa amin ni Kuya Gabriel na nag-gagamitan lang kayo ni Tita Vivian? Nagpakasal lang kayo para makakuha nang suporta sa mga kaibigan nitong maimpluwensya habang si Tita naman ginagamit ang pangalan ninyo para mas lalong lumaki ang koneksyon niya?
Natahimik si Alex sa sinabi ni Ali habang natigilan naman si Gabriel.
Ali: Kahit kailan hindi kayo natutulog sa iisang kama, hindi niyo man lang siya naging asawa. It's just for political affairs hanggang nangyari ito, nagalit ang mga kasamahan ni Tita Vivian sa kanya dahil bumabaliktad na siya.
Alex: Paano mo nalaman ang lahat nang ito, Ali?
Ibinigay ni Ali ang usb drive na nakuha niya.
Ali: Gun for hire at hacker ang taong binisita namin noong dumating ako dito, nandito ang lahat nang mga koneksyon nang mga naging boss niya at alam rin nito ang bawat ginagawa ninyo, dahil kay Tita Vivian.
Gabriel: Pinatay nila si Mama para patahimikin ito?
Napatingin naman si Ali kay Gabriel saka ito napaiyak nang husto, napaisip naman si Alex sa kanyang mga nalaman habang hawak ang usb drive. Makalipas ang ilang oras, lumapit si Ali kay Gabriel na binigyan ito nang kape. Tinanggap naman nito ni Gabriel saka tumabi si Ali sa kanya.
Gabriel: Ano na ang gagawin ko ngayong wala na si Mama? Ayaw ko naman pumunta kay Papa, lage niya na lang akong sinasaktan kapag nandoon ako sa kanya.
Ali: Pamilya mo naman kami ni Papa Alex.
Gabriel: Hindi naman ako matanggap nang Papa mo kaya hindi ko alam kung maaari pa akong manatili sa inyo lalo na at napakarami kong kasalanan sa inyo.
Ali: Kung hindi ka matanggap ni Papa, bakit nagkaroon pa rin siya nang oras na turuan ka sa pag-gamit nang baril? At bakit nag-aalala siya para sayo? Kuya, kailangan mo lang makilala ang Ama natin. Alam kong makikita mo rin ang mga ginagawa niya para sayo.
Gabriel: Ako naman sana ang mas matanda sa ating dalawa pero parang ikaw pa ang nagpapa-intindi sa akin. Hayaan mo at magiging kapatid mo na ako simula ngayon at hinding-hindi na ako gagawa nang kalokohan sa pamilyang ito.
Ali: Malaki ang tiwala ko sayo, Kuya. Alam kong magagawa mo yan, lage akong nandito para sayo. I will support you, no matter what happen.
Gabriel: Maraming salamat sa pagtitiwala mo sa akin, Ali.
BINABASA MO ANG
You'll be in my Heart
ActionKilalang pamilya sa boung lalawigan nang Sevilla ang mga Ledesma, dahil na rin sa ilang dekada na pamumuno nang kanilang pamilya sa lalawigan. Pero, gusto naman itong agawin nang pamilya Mendoza sa kanila na matagal nang gustong angkinin ang mga lup...