Masama ang loob ni Alex na nagtatanong kung may boyfriend na ang anak niya. Natigilan naman si Ali na napatingin sa kanyang Ama.
Ali: Papa, kung may magkakagusto man sa akin, ipapaharap ko na muna siya sa inyo bago ko siya sasagutin. Atsaka, wala namang maglalakas nang loob na ligawan ako sa ngayon dahil kilalang-kilala kayo sa boung mundo bilang isa sa mga magagaling na President, kaya wag na po kayong mag-alala.
Alex: Bakit ba kasi namana mo ang kagandahan nang Mama Pia mo? Kaya ako nag-aalala at maraming lalaki ngayon ang nagkakagusto sayo.
Reb: Hindi rin naman po sila makakalapit kay Ali lalo na at kasama niya kami lage.
Abel: Takot lang nilang pumorma kay Ali.
Alex: Kumusta naman ang pinapagawa ko sa inyo? Nalaman niyo ba kung sino ang nagpapadala nang mga death threats sa akin noong isang linggo?
Ali: May mga nagpapadala na naman nang mga death threats sa inyo? Bakit hindi ko man lang alam ang tungkol doon?
Nagkatinginan silang mag-ama na parehong natahimik.
Ali: Sino na naman ang kalaban ni Papa ngayon?
Reb: Natagpuan na ang nagpapadala nang mga death threats pero hindi pa namin alam kung may nag-uutos ba dito o ginagawa niya lang ito para manggulo. Alam na rin namin kung nasaan ito ngayon.
Alex: Bakit hindi ninyo ito bisitahin?
Ali: Pwede po ba akong sumama sa kanila? Parang welcome party ko na rin po ito, hindi ko na kasi nagagamit ang baril na regalo ninyo sa akin noong nag-debut ako.
Napatingin si Alex kay Reb na ngumiti sa kanilang mag-ama saka kinuha ang baril na nakalagay sa brief case, kinuha naman iyon ni Ali saka inihanda ito para magamit.
Alex: Hihintayin kita sa palasyo pagkatapos nang party ninyo nang mga tauhan mo, naghahanda si Vivian nang welcome party mo kaya dapat wag kang mangamoy nang pulbura o kahit dugo. Wag niyo naman hahayaan ang anak ko na makipaglaban nang mag-isa.
Abel: Kami na po ang bahala kay Ali.
Tinakpan ni Ali ang mukha niya saka inilagay sa gun belt niya ang baril, napatingin si Alex kay Ali habang pasakay na ito nang sasakyan.
Marco: Mahilig po talagang makipaglaro si Ali sa mga kalaban ninyo, hindi na siya natatakot simula nang kinidnap siya noon ni Sir Miguel para mailayo sa inyo.
Alex: Akala ko nga magkakatrauma si Ali sa mga nangyari noon pero mas lalo pa siyang naging matapang at hindi man lang natatakot. Siya na rin ang nagdadala sa mga tauhan nang dalawang pamilya kapag nandito siya, talagang lumalabas ang pagiging Mendoza at Ledesma niya.
Dumating sina Ali sa isang squater area, nakatakip ang mukha niya kaya hindi siya makikilala. Nasa sasakyan sila habang naghihintay sa paglabas nang taong hinahanap nila.
Abel: Ang taong yan ang hinahanap natin, madulas raw yan at naging commando minsan sa bilibid kaya marami itong koneksyon. Gun for hired rin ito kaya dapat tayong mag-ingat.
Ali: Kaya ko na siyang mag-isa, nasaan ang silencer?
Nagulat sina Reb na napatingin kay Ali na nilagyan nang silencer ang baril nito saka itinago na muna habang lumabas sa sasakyan. Papalapit siya sa lalaki habang naninigarilyo, bigla niya itong pinagbabaril sa mga binti kaya hindi nito kaagad nakuha ang baril, napaluhod ang lalaki habang napahawak sa kanyang mga paa.
BINABASA MO ANG
You'll be in my Heart
AcciónKilalang pamilya sa boung lalawigan nang Sevilla ang mga Ledesma, dahil na rin sa ilang dekada na pamumuno nang kanilang pamilya sa lalawigan. Pero, gusto naman itong agawin nang pamilya Mendoza sa kanila na matagal nang gustong angkinin ang mga lup...