Umiiyak si Ali sa balikat nang kanyang Ama habang humihingi nang tawad sa kanya.
Alex: Hindi ko gustong saktan ka, Ali. Hindi ko sinasadyang gawin yon sayo, patawarin mo si Papa. Patawarin mo ako, Anak.
Hinaplos ni Ali ang mga luha nang kanyang Ama.
Ali: Mahal na mahal ko po kayo, Papa.
Biglang nawalan nang malay si Ali na ikinagulat ni Alex.
Alex: Anak?! Ali!! Anak!!
Dinala kaagad si Ali sa ospital, alalang-alala si Alex sa anak niya habang naghihintay sa labas nang emergency room. Sa panaginip ni Ali, nasa tabing ilog siya habang hinahawakan ang tubig na dumadaloy dito.
Pia: Alexandra.
Napatingin kaagad si Ali sa babaeng tumawag sa kanya at nakita niya mismo ang kanyang ina. Napatakbo si Ali papunta sa kanyang ina na masayang-masaya at niyakap ito.
Ali: Mama Pia, masaya po akong makita kayo ulit.
Pia: Ako rin, Anak. Samahan mo muna akong mamasyal.
Namasyal ang mag-ina sa magandang mga pananim, napapatingin naman si Ali sa paligid na napakaganda at tahimik.
Ali: Mama, sinusundo niyo na po ba ako? Galit na naman po ba kayo kay Papa?
Pia: Hindi naman ako nagagalit sa Papa Alex mo, gusto ko lang malaman kung masaya ka ba sa tabi niya. Nakikita ko kasi na nahihirapan kang pakisamahan ang sarili mong Ama, manang-mana ka kasi sa kanya nang ugali na lageng nagmamarunong.
Ali: Kasalanan ko naman po ang mga nangyari, si Papa Alex pa nga ang lageng nahihirapan na pakisamahan ako dahil hindi ko man lang mapigilan ang sarili kong bibig kapag may gusto akong sabihin sa kanya.
Pia: Ali, alam kong marami ka nang nalalaman at lumaki kang nakikita mo kung ano ang kailangan nang mga tao sa paligid mo. Pero, hindi Diyos ang Ama mo o kahit superhero na kayang ibahin ang buhay nang isang tao sa isang iglap. Pinaglalaanan yan nang panahon para mapabago ang mga buhay nang mga tao, mahirap ang buhay at napakaraming masasama sa mundo, hindi kayang mag-isa nang Papa mo na bagohin silang lahat.
Ali: Sinasabi niyo po ba na kailangan kong tulungan si Papa?
Pia: Kinakailangan mo siyang gabayan sa mga ginagawa niya, sabihin mo kung ano ang nasa puso at isipan mo. Wag mo lamang siyang pangungunahan, Ama mo pa rin siya kahit may tungkolin na siyang hinahawakan. Masaya ka pa ba sa Papa Alex mo?
Ali: Opo, masaya po ako kay Papa, Mama. Hindi niya naman po ako pinapabayaan, lage po siyang nandyan para iligtas ako sa kapahamakan, pinapasaya niya ako kapag nalulungkot, hindi niya po ako iniiwan kapag kailangan ko siya sa tabi ko, ipinagmamalaki ko po na siya ang Papa ko.
Ngumiti si Pia sa anak niya habang magkahawak ang kanilang kamay.
Ali: Mama, pinangako po sa inyo ni Papa na kayo lang ang papakasalan niya at dadalhin sa altar. Ayaw niyo na po ba'ng makapag-asawa si Papa?
Pia: Anak, nasa Papa mo na yon. Hindi ko naman siya pinipigilan na umibig ulit, ang mahalaga ay ikaw. Wag ka lang niyang pababayaan, dahil mumultohin ko siya.
Nagtawanan silang mag-ina na napatingin sa isa't isa, hinaplos naman ni Pia ang pisngi nang anak saka niyakap ito.
Pia: Magpakabait ka sa Papa mo, lage mo siyang susundin. Mahal na mahal ko kayong dalawa at lage akong magbabantay sa inyo.
BINABASA MO ANG
You'll be in my Heart
AcciónKilalang pamilya sa boung lalawigan nang Sevilla ang mga Ledesma, dahil na rin sa ilang dekada na pamumuno nang kanilang pamilya sa lalawigan. Pero, gusto naman itong agawin nang pamilya Mendoza sa kanila na matagal nang gustong angkinin ang mga lup...