Dumating ang mga Mendoza sa kanilang mansion, napatingin naman si Elena sa paligid nang mansion. Si Elena Mendoza-Sobel, ang kapatid ni Pia.
Elena: Dad, bakit ba ayaw ninyong ibahin ang interior nang bahay na ito? Pwede ko naman itong ipaayos para naman mapabago natin ang mga furniture.
Mateo: Wag mong pakialaman ang mga inayos ni Pia dito, asikasohin mo na lamang ang ampon mo para hindi lageng nagdadala nang kahihiyan sa ating pamilya.
Elena: Apo mo pa rin si Lucia kahit hindi siya nanggaling sa akin, anak niyo rin naman ako at kapatid ko rin si Pia. Hanggang ngayon pa rin ba hindi niyo pa rin matanggap ang kanyang pagkamatay?
Mateo: Matatanggap ko lamang ang pagkamatay niya kung babagsak ang mga Ledesma! At maibalik sa aking mga kamay ang boung Sevilla. Saka ko matatanggap ang pagkamatay ni Pia.
Elena: Kailangan rin namin kayo ni Lucia, kami ang buhay at nasa tabi ninyo ngayon! Kami na ang tagapagmana ninyo at wala na kayong magagawa pa para doon!
Mateo: Hindi ko kadugo ang anak mo! At hindi ko siya matatanggap bilang isang Mendoza! Joseph! Ihanda ninyo ang mga papeles para gamitin sa kaso na isasampa ko sa mga Ledesma! Dapat makuha ko na ngayon ang mga lupain na yon!
Joseph: Opo Mr. Mendoza.
Umalis ang matandang lalaki kasama ang mga tauhan nito, napatingin naman si Elena sa anak niyang babae na lumabas sa sasakyan na may katulong na kasama. Sa Bario San Jose, nasa sasakyan si Alex habang nagtatanong si Fred sa mga tao.
Fred: Saan po ba dito yong sakahan na ipinagbibili?
Lalaki 1: Doon lang po, sa manga na yon.
Fred: May bahay po ba doon?
Lalaki 1: Opo, may dalawang bahay po doon. Pero wala po ngayon ang may-ari, parang nasa lungsod na po sila ngayon nakatira.
Fred: Ganoon po ba, itatanong ko lang sana kung may kilala kayong Pia na nakatira noon doon, mga labing-isang taon na rin ang nakakaraan?
Narinig iyon nang matandang babae na nagpaanak kay Pia noon.
Babae 1: Oo, doon nga nakatira si Pia at nanganak kaya lang nabawian siya nang buhay pagkatapos niyang manganak.
Fred: Ano naman po ang pangalan nang anak niya?
Babae 1: Narinig ko, Alexandra o Ali ang pangalan nang batang babae.
Fred: Alam niyo po ba kung sino ang Ama nang anak niya?
Babae 1: Narinig ko ang pangalan nang lalaki, Alexander Ledesma. Bakit mo naitanong?
Nagulat na lamang si Fred na napatingin sa kanyang boss.
Fred: Kaklase ko po kasi si Pia noon at hinahanap ko ngayon kung saan siya nakalibing kaya nagtatanong po ako at kung saan ang anak niya.
Babae 1: Dinala ni Diego at Tessa si Ali sa lungsod at doon na rin nakalibing si Pia.
Fred: Sige po. Maraming salamat po, aalis na po ako.
Kaagad na bumalik sa sasakyan si Fred na nagmamadali.
Alex: Anong nalaman mo sa kanila?
Fred: Nakatira raw po dati si Pia doon at nagkaanak nang batang babae na ang pangalan ay Ali. Sir, kayo po ang Ama ni Ali na itinago lang ni Diego at Tessa sa inyo.
![](https://img.wattpad.com/cover/190553912-288-k935427.jpg)
BINABASA MO ANG
You'll be in my Heart
AcciónKilalang pamilya sa boung lalawigan nang Sevilla ang mga Ledesma, dahil na rin sa ilang dekada na pamumuno nang kanilang pamilya sa lalawigan. Pero, gusto naman itong agawin nang pamilya Mendoza sa kanila na matagal nang gustong angkinin ang mga lup...