Chapter 23

155 6 0
                                    

Pinuntahan ni Arman at Reb si Ali sa kwarto nito, nakita nila itong may pasa ang bibig habang ginagamot nang katulong.

Ali: Alam na po ba ni Papa ang nangyari sa akin?

Arman: Oo at siguradong galit na galit na siya ngayon.

Ali: Paalisin niyo na kaya yong babae, masama pa naman magalit si Papa baka may gawin na lang siya doon. Ako naman yong may kasalanan kung bakit nataponan ito nang kape.

Dumating si Alex na narinig mismo ang paliwanag ni Ali.

Alex: Ipagtatanggol mo pa rin ba ang babaeng yon sa akin, Ali?

Napansin ni Ali na masama ang loob nang Ama niya.

Ali: Papa, wag naman po kayong magalit kaagad. Kasalanan ko naman talaga ang nangyari, nabangga ko siya nang naghahabulan kami ni Yaya.

Alex: Anak, lage mong tatandaan na walang sino man ang maaaring manakit sa isang tao, kahit gaano pa kalaki ang kasalanan nito. Alam kong naiintindihan mo ang ibig kong sabihin at sana maintindihan mo rin ako kung bakit kinakailangan kong maging masama minsan.

Ali: Pero kapag naging masama kayo sa inyong kapwa mas lalong nagiging masama rin ito, kaya nga dapat na mahalin ninyo ang inyong mga kaaway hindi na susuklian niyo rin nang dahas ito. Gumawa po kayo nang kabutihan sa kaaway ninyo hanggang mabuksan ang puso nito at malaman niya ang kanyang mga pagkakamaling nagawa.

Natahimik sila sa sinabi ni Ali, lumapit si Alex sa anak niya na hinawakan ang kamay nito.

Alex: Maraming masasama sa mundo na pera ang mahalaga sa kanilang buhay kesa na ang gumawa nang kabutihan, ito lang ang paraan na alam ko ngayon. Halimaw na ang mga nakapaligid sa atin kaya dapat na maging halimaw rin tayo sa kanilang harapan, kung hindi palage nila tayong sasaktan at tatakotin hanggang hindi na tayo makakalaban sa kanila. Naiintindihan mo ba ako, Anak?

Ali: Opo, Papa. Naiintindihan ko po kayo.

Hinaplos ni Alex ang pisngi nang anak niya na ngumiti dito. Kinakabahan naman si Sylvia nang malaman na anak ni Governor Ledesma ang batang babae na sinaktan niya kanina. Bumaba si Alex kasama ang anak habang hawak ang kamay nito.

Sylvia: Sir Alex, patawarin niyo po ako sa ginawa ko. Hindi ko po alam na anak ninyo ang batang ito, wala naman kasing sinasabi dito na nagka-anak kayo. Ano po ang dapat kong gawin para mapatawad niyo po ako?

Alex: Gagawin natin ang interview pero ito lang ang mga dapat mong itatanong sa akin kung palalabasin mo naman ito sa media, kakasohan kita nang child abuse sa ginawa mo sa anak ko.

Natigilan si Sylvia na napatingin sa Governor. Nagsimula na ang interview nila at kinakabahan pa rin si Sylvia habang kaharap si Governor Ledesma.

Sylvia: Magandang gabi sa inyong lahat, kasama natin ngayon si Governor Alexander Ledesma, ang pinakabatang Gobernador sa kasaysayan nang bansa at maaaring magiging pinakabatang Senador sa darating na eleksyon. Good evening, Governor Ledesma.

Alex: Good evening, Sylvia. Tawagin mo na lang akong, Sir Alex. Mas madali kasi yon kesa na ang bou kong pangalan atsaka yon rin ang tinatawag sa akin nang mga tauhan ko.

Sylvia: Nalaman nga po namin na malapit kayo sa inyong mga tauhan at ilang beses na rin nila kayong nailigtas sa kapahamakan habang nilalabanan ang mga masasamang tao na gustong sumira sa inyong probinsya. Ang tanong po nang bayan ay hindi po ba kayo magsasawang gawin ang inyong serbisyo para sa mga mamamayan nang bansang ito kapag kayo naman ang maupo bilang Senador kahit na marami ang nagbabanta sa inyong buhay?

You'll be in my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon