Masagana ang lalawigan nang Sevilla kaya isa ito sa pinakamalawak at pinakamayamang lalawigan sa bansa. At pinag-aagawan ito nang dalawang pamilya nang ilang dekada, ang mga Ledesma at mga Mendoza. Parehong may malawak na lupain ang dalawang pamilya, may magandang reputasyon at ginagalang sa boung lalawigan kaya hindi nagpapatalo sa isa't isa. Nagmamadali si Sophia Mendoza o Pia papunta sa bahay nang kanyang kaibigan na si Tessa, hawak ang kanyang bag.
Pia: Wala pa ba dito si Alex? Mahuhuli na kami sa bus.
Tessa: Kanina pa nga siya hinihintay ni Diego sa labas nang tindahan nila pero hindi pa raw dumadating si Alex. Pia, sigurado na ba talaga kayo sa desisyon ninyo ni Alex? Hindi kaya nabibigla lang kayo sa pagtatanan ninyo?
Pia: Hindi na namin kayang manatili sa mga magulang namin, pareho lang sila na nagpapataasan nang mga pride nila. Gusto lamang namin ni Alex na isang tahimik at masayang pamilya na malayo sa kanilang lahat.
Tessa: Hindi ba kayo natatakot sa mga magulang ninyo? Lalo na kay Governor Ledesma? Siguradong hahanapin niya pa rin kayo ni Alex.
Pia: Gagawin namin ang lahat para makalayo lang sa kanila, hindi namin bubuhayin ang magiging anak namin dito. At hindi rin kami makakapayag na mararanasan nang anak namin ang matinding hidwaan nang aming mga pamilya.
Tessa: Buntis ka?
Ngumiti si Pia sa kaibigan na nagulat sa sinabi nito.
Pia: Oo, Tessa. Magkaka-anak na rin kami ni Alex, matutupad na rin ang pangarap naming magkaroon nang isang magandang pamilya.
Tessa: At hindi pa alam ito ni Alex?
Pia: Ngayon ko pa lamang sasabihin sa kanya.
Dumating si Diego na nagmamadali papunta sa loob nang bahay at may dalang sulat.
Diego: Pia, pinabibigay raw ni Alex sayo.
Natulala si Pia sa sulat na ibinigay ni Diego sa kanya. Binasa niya ito at hindi siya makapaniwala sa mga nakasulat doon.
Tessa: Anong sabi niya sa sulat, Pia?
Tumulo ang mga luha ni Pia na napaiyak at itinapon ang sulat na masama ang loob. Kinuha naman iyon ni Tessa para malaman kung anong laman nang sulat.
Diego: Anong sabi ni Alex?
Tessa: Kalimutan na raw nila ang isa't isa at sundin na lamang ang kagustohan nang kanilang mga magulang.
Diego: Ang hayop na yon!!
Niyakap naman ni Tessa si Pia na umiiyak, umalis si Diego para puntahan si Alex sa mansion nang mga Ledesma pero pagdating niya sa gate ay natigilan siya sa kanyang mga nakita, kinaladkad nang mga tauhan ni Governor Miguel Ledesma ang sariling anak.
Alex: Mahal ko si Pia! Matagal na kaming nagmamahalan! Wala kaming pakialam sa away ninyo nang kanyang Ama! Gusto na naming lumayo noon pa sa inyo at kalimutan ang hidwaan nang dalawang pamilya!
Miguel: Talagang nasisiraan ka na nang bait! Ipagpapalit mo ang lahat nang ito para lang sa maruming dugo nang babaeng yon?! Anong pinakain niya sayo para kalabanin mo kami nang iyong Mama?! Ikaw lang ang inaasahan ko sa pamilyang ito! Marami akong pangarap sayo tapos sisirain lang nang babaeng Mendoza na yon?!
Camila: Miguel, maawa ka kay Alex. Pabayaan na lamang natin sila ni Pia.
Miguel: Hindi ako makakapayag!! Hangga't nabubuhay ako, hindi maaaring magsama ang dalawang pamilya! Ipapadala kita sa Australia at doon ka mag-aaral hanggang matapos mo ang gusto kong kurso para sayo at ikaw ang susunod na magiging Gobernador nang Sevilla! Wag mo akong kakalabanin, Alex kung ayaw mong may mangyari sa babaeng pinakamamahal mo! Dalhin niyo na siya sa airport!
BINABASA MO ANG
You'll be in my Heart
ActionKilalang pamilya sa boung lalawigan nang Sevilla ang mga Ledesma, dahil na rin sa ilang dekada na pamumuno nang kanilang pamilya sa lalawigan. Pero, gusto naman itong agawin nang pamilya Mendoza sa kanila na matagal nang gustong angkinin ang mga lup...