Chapter 8

288 9 0
                                    

Bumaba si Ali para sa kanilang haponan, dumating si Col. Martin at nakita niya ang batang babae na kamukha ni Alex.

Col. Martin: Ikaw ba ang anak ni Governor Alex?

Hindi makasagot ang batang babae na napatingin lang sa kanila. Lumabas naman si Alex sa opisina niya na nakita si Ali na hindi man lang makagalaw sa kinatatayuan nito.

Alex: Ali?

Kaagad na napatakbo si Ali sa kanyang Ama at nagtago sa likuran nito.

Alex: Itago niyo nga ang mga baril ninyo, natatakot ang anak ko sa mga yan!

Col. Martin: Sorry po Gov, doon muna kayo sa labas. Dalhin niyo na muna ang baril ko.

Kaagad na lumabas ang mga pulis, lumapit naman si Col. Martin dala ang development report niya at ibinigay kay Alex. Binabasa ito ni Alex habang nakahawak sa likuran niya si Ali.

Col. Martin: Pasensya ka na, Ali. Hindi ko sinasadyang takotin ka.

Ali: Ako po dapat ang mag-sorry sa inyo, nabigla lang po kasi ako.

Napatingin naman si Alex sa anak niya na nakangiti sa bagong kakilala.

Alex: Tito Martin, si Alexandra ang anak ko.

Col. Martin: Inampon mo ba siya?

Alex: Anak namin siya ni Sophia Mendoza, inilayo siya sa akin kaya ngayon lang kami nagkasama. Kaya ganoon na lang rin ang galit ko kanina dahil muntik nang napahamak ang anak ko. Siya na lang ang naiwan ni Pia sa akin, hindi ko hahayaan na pati siya mawawala na lang sa akin.

Col. Martin: Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, Ama rin ako na may mga anak na pinuprotektahan. Kamukhang-kamukha mo siya, Alex. At kung magsalita para ring ikaw, pero alam ba nang mga Mendoza ito?

Alex: Hindi nila maaaring malaman ang tungkol kay Ali.

Napaisip si Col. Martin na napatingin sa batang babae. Sa school ni Ali, magsisimula na ang competition at nakahanda na rin si Ali sa kanyang unang chess competition. Dumating naman sina Alex kasama ang mga magulang na binati nang mga guro doon. Marami ang napatingin sa pamilya Ledesma na dumating.

Student 1: Ang swerte talaga ni Ali, nandito pa ang Governor para lang makita siyang maglaro. Siguro, maganda ang buhay niya sa mga Ledesma.

Jessie: Kaya lang naman na pinapalabas nilang ampon nila si Ali para hindi ito mapahamak nang sino man lalo na ngayong maraming nagtatangka sa buhay nang tunay niyang Ama.

Student 1: Wag ka nga'ng gumawa nang kwento dyan, Jessie.

Jessie: Totoo naman talaga, tunay na Ledesma si Ali.

Narinig iyon ni Elena na nasa likuran nang mga batang nag-uusap, humarap siya kay Jessie.

Elena: Hi, pwede ba tayong mag-usap? Ako nga pala si Elena.

Jessie: Ano po'ng kailangan ninyo?

Ipinakita ni Elena ang pera sa batang babae.

Elena: Ibibigay ko ito sayo kung sasabihin mo sa akin ang lahat nang nalalaman mo.

Jessie: Gusto ko po yong bag ninyo at ang perang yan, saka ko sasabihin sa inyo ang mga nalalaman ko.

You'll be in my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon