Chapter 15

288 5 0
                                    

Mabilis ang takbo nang sasakyan nina Alex pero hinahabol pa rin sila nang dalawang sasakyan hanggang pinagbabaril sila. Takot na takot si Arman na nakatago habang bumabaril si Alex at mga security nito sa mga nakasunod sa kanila, biglang natamaan ang gulong nang kanilang sasakyan kaya napahinto ito kaagad.

Alex: Kailangan nating umalis dito, Arman. Wag kang lalayo sa akin, maliwanag ba?

Arman: Opo Kuya.

Takot na takot si Arman na niyayakap ang briefcase nang kapatid niya. Nakita rin ni Arman kung gaano katapang ni Alex sa mga ganitong sitwasyon.

Luis: Gov, walong lalaki po ang bumaba sa sasakyan nila. Anong gagawin po natin? Medyo may kalayuan pa ang checkpoint mula dito.

Alex: Natatakot ba kayo? Kinakalawang na rin ang mga baril natin, bakit hindi natin gamitin?

Nagkatinginan sina Luis at Fred sa Governor na kinuha ang malalakas na baril nila sa upuan nang sasakyan saka pinagbabaril ang mga kalaban nila, sinundan naman siya kaagad nang kanyang mga tauhan. Napapatakip naman nang tainga si Arman na natatakot sa mga putok nang baril. Mabilis si Alex na nakapagpalit nang bala sa baril niya at binaril ulit ang mga kalaban, kahit na may ilang daplis na siya hindi pa rin siya natatakot.

Luis: Gov, may tama na po ang ilan sa atin.

Arman: Kuya, may tama na rin po kayo.

Napatingin si Alex sa kanyang mga tauhan na may mga tama, may ilang daplis  na rin siya.

Alex: Naghihintay ang anak ko sa akin, hindi ako makakapayag na pati ako mawala sa buhay nang anak ko kaya lalaban ako kahit na anong mangyari, nasa inyo na yon kung susuko na lang kayo o lalaban kasama ko.

Nagkatinginan ang mga tauhan niya sa kanya saka nilagyan nila nang bala ang kanilang mga baril at nilabanan ulit ang mga kalaban nila, may ilan nang namamatay sa mga kalaban nila. Nang marinig nila na paparating na ang mga pulis, tumakas kaagad ang mga ito. Sa mansion nang mga Ledesma, naghihintay si Ali sa kanyang Ama sa living room.

Camila: Wala pa rin ba si Alex? Kanina ko pa tinatawagan ang mga security niya pero walang sumasagot kahit isa.

Miguel: Tatawagan ko na muna si Col. Martinez baka may nangyari sa kanila habang pauwi dito, samahan mo muna si Ali sa kwarto niya.

Camila: Ali, halika na at gagawin natin ang homework mo.

Ali: Lola, napag-usapan po kasi namin ni Papa na gagawin namin ngayon ang homework ko. Bakit wala pa rin po si Papa hanggang ngayon?

Nagkatinginan ang dalawang matanda sa tanong nang kanilang apo, tumunog ang phone at kaagad itong sinagot ni Miguel.

Miguel: Salamat Colonel, pupunta ako kaagad dyan.

Camila: Anong nangyari, Miguel? May nangyari ba kay Alex?

Miguel: Nasa ospital sina Alex ngayon at sugatan ang mga security niya.

Ali: Ano po'ng nangyari kay Papa, Lolo?!

Nag-alala kaagad si Ali nang marinig na nasa ospital ang kanyang Ama. Sa ospital, inaayos na ang mga sugatan sa kanila ni Alex habang nilalapatan lang siya nang first aid.

Alex: Kailangan ko nang umalis, hinihintay na ako nang anak ko.

Nurse: Hindi raw po kayo pwedeng umalis sabi ni Doktor, Sir.

You'll be in my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon