Chapter 19

102 3 0
                                    

Kasama nang ilang opisyal at mga tauhan nila, kumakain ang lahat nang tanghalian.

Alex: Hindi ko kayo inaagawan nang tungkolin sa lungsod, ayaw ko lang nang ganoong sistema. Para sa akin, nahihiya ako sa sarili kong anak dahil alam niyang ako ang leader nang probinsyang ito pero wala man lang akong nagagawa para linisin ang sentro nang lalawigan. Paano na lang sa mga mamamayan nang boung probinsya? Kaya hangga't hindi naaayos ang sentro nang lungsod natin, hindi rin ako titigil sa mga ginagawa ko.

Ria: Naiintindihan naman po namin ang ginagawa ninyo, Gov. Kaya nga nagulat kami nang magpatawag kayo nang clearing operations pati si Mayor Jett, hindi niya malaman ang gagawin nang malaman niyang ito ang gagawin ninyo.

Alex: Talagang magugulat siya dahil marami siyang nilabag sa batas, ano naman ang plano mo ngayong ikaw na ang Mayor nang lungsod na 'to? 

Ria: Nasimulan niyo naman po'ng ayusin ang sentro nang lungsod, kaya sisimulan ko na ring ayusin ang mga tabi nang daan para maiwasan na ang mga aksidente at pag-sikip nang mga sasakyan. Nasabi rin nang mga kapulisan natin na masyado nang maraming nagtatago na mga kriminal dito sa atin kaya makikipagtulungan rin kami sa kanila.

Ali: Papa, pwede po ba akong maglaro doon sa playground?

Alex: Sige, pero wag kang lalayo. Fred, Luis samahan niyo si Ali, bantayan niyo siyang mabuti at wag ninyong pabayaan na makalayo.

Fred: Opo, Gov.

Andrei: Mama, sasama po ako sa kanyang maglaro.

Ria: Go ahead pero wag kang lalayo sa kanila.

Andrei: Opo, Excuse me po.

Ngumiti sila sa mga batang papunta sa isang public playground, nakikipaglaro si Ali kay Andrei.

Andrei: Ako nga pala si Andrei Richard Lopez, ano naman ang pangalan mo?

Ali: Alexandra Ledesma, pero Ali ang tawag nila sa akin.

Andrei: Alam mo ang tapang nang Daddy mo kanina atsaka ang galing-galing niya sa kanyang mga ginagawa, sabi nga ni Mommy, pwedeng maging Presidente nang bansa ang Daddy mo.

Ali: Ginagawa lang naman ni Papa ang tungkolin niya sa mga tao, tinutulungan niya rin ang mga nangangailangan at iniisip niya ang kapakanan nang nakakarami.

Andrei: Paglaki ko, gusto kong maging tulad nang Daddy mo. Ikaw ba, anong gusto mo paglaki mo? Gusto mo rin ba'ng maging tulad nang Daddy mo?

Ali: Hindi ko pa alam sa ngayon pero gusto ko ring makatulong sa mga tao.

Napapatingin si Alex sa mga batang naglalaro habang binabantayan nang mga security.

Ria: You have an intelligent daughter, Gov. Marami ang nagsasabi na manang-mana ang anak mo sayo at sinasabi nito ang katotohanan sa kanyang paligid.

Alex: Siya nga ang naging dahilan kung bakit ko ito ginagawa, marami akong natututunan sa sarili kong anak na hindi ko natututunan sa iba. Alam mo ba'ng hindi siya lumaki sa akin? Hindi ko man lang alam na nagkaroon ako nang anak, itinago siya sa akin noon para hindi madamay sa alitan nang pamilya namin nang Mama niya. Namulat nang napaka-aga si Ali sa mga nangyayari sa kanyang paligid kaya mas marami siyang nalalaman tungkol sa buhay nang lansangan. Malaki pa ang dapat kong pagbayaran sa sarili kong anak, kaya lahat ginagawa ko para sa kanya.

Natahimik si Ria sa mga sinabi ni Alex. Sa playground, nagtago-taguan sina Ali at Andrei  sa mga punong-kahoy. Habang nagtatago si Ali napansin niya ang isang lalaki na nagtatago sa likod nang puno at nakatingin sa restaurant kung nasaan ang Ama niya at ilang tauhan.

You'll be in my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon