Makalipas ang pitong taon. Nakatingin sa bintana si Alex habang pinagmamasdan ang hardin sa labas kung saan lage silang naglalaro ni Ali noon at nagkukwentohan.
Hilda: Sir Alex, naghihintay na po si Ma'am Vivian sa dining room.
Alex: Dumating na ba si Gabriel?
Hilda: Hindi pa raw po ito nagigising, sabi nang mga Security niya. Umaga na rin po itong nakauwi galing sa party nang kaibigan niya.
Alex: Kahit kailan hindi ako binigyan nang problema ni Ali pero nang dumating ang lalaking yan dito, wala na siyang ibinigay sa akin kundi mga problema at kahihiyan. Gusto ko siyang makausap ngayon din mismo, wala akong pakialam kung paano ninyo siya gigisingin at dadalhin sa harapan ko!
Hilda: Opo, sasabihin ko po kaagad sa mga security niya.
Kaagad umalis si Hilda na nagmamadali, masama naman ang loob ni Alex na pumunta sa dining room at naghihintay doon ang asawa niyang si Vivian. Napansin ni Vivian na masama ang loob nang asawa kaya natigilan siya sa kanyang pagkain.
Vivian: May ginawa na naman ba ang anak ko, Alex?
Alex: Sinabi ko na sayo na dapat pinapasok na lamang natin siya sa military school para tumino na ang anak mo at hindi puro problema ang dinadala niya sa pamilyang ito. 23 years old na si Gabriel pero wala man lang direksyon ang buhay niya, hindi katulad ni Ali na nakakuha nang scholarship sa University of Melbourne at medicine pa ang kinuha.
Vivian: Matalino si Ali at malaki ang pinagmanahan niya sayo, habang anak ko naman si Gabriel sa dati kong asawa na sumama sa ibang babae at walang alam kundi ang magsugal. Hindi kayang gawin ni Gabriel ang ginagawa nang sarili mong anak.
Alex: Hindi ba niya kayang magsikap? Nagsisikap rin ang anak ko para matupad ang mga pangarap niya, siguro naman kayang gawin yan ni Gabriel para na rin sa kinabukasan niya.
Natahimik si Vivian sa sinabi ni Alex, dumating naman ang binata na puyat habang inaalalayan nang mga security nito. Maganda ang pangangatawan ni Gabriel at may kagwapohan pero lageng problema ang dinadala nito sa kanilang pamilya.
Alex: Darating si Ali para magbakasyon nang dalawang buwan dito, ayaw kong nakakatanggap nang problema galing sa lalaking ito o papaalisin ko siya dito.
Umalis si Alex doon na kaagad sumunod ang mga security sa kanya. Nakaupo si Gabriel habang inaantok, inilagay ni Vivian ang kape sa harapan nang anak.
Gabriel: Good morning, Mom. How's my beautiful mother?
Vivian: Ayusin mo ang sarili mo kung ayaw mong palayas dito, darating ang stepsister mo kaya ayaw nang Tito Alex mo na gumagawa ka nang gulo o papaalisin ka niya dito.
Gabriel: Wala siyang karapatan na pigilan ako, hindi naman niya ako anak at hindi ako isang Ledesma. Kayo lang naman ang pinakasalan niya kaya isa pa rin akong Deguzman.
Vivian: Nakalimutan mo na ba'ng pinalitan na rin ang pangalan mo nang nagpakasal ako sa kanya? Kilala ka nang boung bansa bilang Gabriel Angelo Ledesma at hindi sa pangalan nang walang kwenta mong ama.
Gabriel: Pinakasalan lang niya kayo para makakuha nang suporta sa mga kilala ninyong malalaking tao, dahil gusto nang lalaking yan na maging Prime Minister para manatili lang siya sa pwesto niya!
Sinampal ni Vivian si Gabriel saka ito natahimik, umalis ang Ina niya na masama ang loob. Sa kusina, nalaman nina Pepay at Manang Mercy ang nangyari kanina habang kinukwento sa kanila nang mga security.
BINABASA MO ANG
You'll be in my Heart
AksiKilalang pamilya sa boung lalawigan nang Sevilla ang mga Ledesma, dahil na rin sa ilang dekada na pamumuno nang kanilang pamilya sa lalawigan. Pero, gusto naman itong agawin nang pamilya Mendoza sa kanila na matagal nang gustong angkinin ang mga lup...