Inisa-isa nang mga tauhan ni Alex ang limang tauhan ni Mayor Garcia at kagaya nang kanyang ipinag-utos, pinutulan ito nang mga ulo at inilagay sa harapan nang pintuan nang bahay nang ikalawang asawa nang Mayor. Pagbukas nang katulong nila sa bahay, napasigaw ito sa takot.
Erik: Ano ba'ng nangyari sayo?!
Katulong: Tingnan niyo po, Sir!
Nakita nila ang mga ulo sa kanilang labas at mga tauhan niya ito. Lumabas ang ikalawa niyang asawa na si Shirley kasama ang anak na si Chloe.
Chloe: Mommy, ano po ang mga yan?
Erik: Ipasok mo si Chloe sa loob, Shirley! Alam ko na kung sino ang may kagagawan nito, talagang hinahamon niya ako. Hindi lang ang anak niya ang ilalagay ko sa kabaong pati na rin siya!
Galit na galit si Erik na tinawagan ang mga tauhan niya para sa kanilang gagawin. Nasa labas naman ang mga tauhan ni Alex na narinig ang binabalak nang Mayor. Sa Mansion nang mga Ledesma, nanonood nang TV si Ali sa kanyang kwarto.
Camila: Bumaba na ba ang lagnat nang apo ko? How's your feeling?
Ali: Bumaba na po pero siguradong mamaya babalik na naman, kaya hindi na po ako pinayagan ni Papa na pumasok baka kasi tumaas na naman raw ang lagnat ko.
Camila: Kaya wag ka na munang bumaba. Ipapahatid ko na lang ang makakain mo dito, kapag may kailangan ka pindotin mo ang buzzer at pupuntahan kita kaagad.
Ali: Opo, Lola. Salamat po.
Kausap naman ni Alex ang tauhan niya sa phone at nalaman niya ang susunod na hakbang nang Mayor, kaya napaisip siya na napatingin kay Arman habang tinuturuan kung paano humawak nang baril. Paalis na ang sasakyan nang Governor at kaagad na tinambangan ito nang mga tauhan ni Mayor Garcia, pinagbabaril ang sasakyan nito pero nang lapitan nila ito. Nandoon ang isang remote control at bomba, sumabog kaagad ang sasakyan sa kanilang harapan.
Nasa kwarto naman si Alex kasama ang anak na nakahiga sa kanya at mahimbing na natutulog, niyayakap niya si Ali para hindi nito marinig ang pagsabog. Nasa pintuan naman si Fred at Luis na nakabantay sa kanilang mag-ama. Pumasok si Arman na inilagay ang remote control.
Alex: Siguraduhin niyong walang makakapasok sa Mansion na ito, kahit balahibo nang anak ko, hindi niya mahahawakan. Kung gusto niya nang laban, ibibigay ko ito sa kanya.
Napatingin si Arman kay Alex habang hinahaplos ang buhok nang anak, nagkatinginan naman sina Fred at Luis sa gustong mangyari nang Governor. Sa Munisipyo ni Mayor Garcia, nalaman niya kung anong nangyari sa mga tauhan niya.
Erik: Sigurista nga talaga si Governor Ledesma, alam niyang may mangyayari sa kanya kaya nakapaghanda siya sa kanyang gagawin. Pero hindi pa doon natatapos ang mga gagawin ko, hangga't hindi siya pumapayag sa gusto kong mangyari hindi ko rin siya titigilan hanggang mawala siya kasama ang anak niya!
Sa Mansion nang mga Ledesma, mahimbing nang natutulog si Ali sa kwarto niya. Tiningnan ni Alex ang anak bago bumaba. Umiinum nang alak si Miguel sa pool side at lumapit si Alex sa kanyang Ama.
Alex: Gising pa yata kayo, Dad?
Miguel: Ikaw rin naman, bakit gising ka pa? Nalaman ba ni Ali ang nangyari kanina?
Alex: Hindi ko po pinaalam sa kanya. Nagpapahinga siya boung araw sa kwarto niya, wala na siyang lagnat kaya bukas makakapasok na siya. Pero, baka may mangyari na lang bukas, kaya iniisip ko kung anong dapat kong gawin.
![](https://img.wattpad.com/cover/190553912-288-k935427.jpg)
BINABASA MO ANG
You'll be in my Heart
ActionKilalang pamilya sa boung lalawigan nang Sevilla ang mga Ledesma, dahil na rin sa ilang dekada na pamumuno nang kanilang pamilya sa lalawigan. Pero, gusto naman itong agawin nang pamilya Mendoza sa kanila na matagal nang gustong angkinin ang mga lup...