Chapter 21

108 2 0
                                    

Naglalaro si Ali at Cindy sa playground nang school habang naghihintay nang sundo nila, lumapit si Anna kay Reb habang binabantayan si Ali.

Anna: Kumusta na kayo ni Rachel? Nalaman ko kay Hilda na nagkaroon kayo nang anak.

Reb: Matagal nang sumama sa ibang lalaki si Rachel nang namatay ang anak namin. Simula nang nangyari yon, wala na ring direksyon ang buhay ko.

Anna: Nasabi ni Ali sa akin kung paano kayo nagkakilala, mabuti naman at binigyan ka nang panibagong buhay ni Governor Ledesma.

Reb: Malaki ang utang na loob ko sa kanila kaya inaayos ko na rin ang buhay ko, ikaw naman? Hindi ka pa rin ba nag-aasawa hanggang ngayon?

Anna: Simula nang ipinagpalit mo ako kay Rachel, hindi na ako tumingin sa ibang lalaki.

Natahimik si Reb sa sinabi ni Anna, ngumiti naman ito sa kanya.

Anna: Kalimutan na natin ang mga nangyari, may mga bagong buhay na tayo. Ang mahalaga, pareho tayong naging masaya. Sana gumanda na ang buhay mo. Sige, maiwan na kita.

Umalis si Anna habang napatingin naman si Reb sa kanya. Sa mansion nang mga Ledesma, parehong may binabasa ang mag-ama sa living room. Napansin ni Ali na malalim ang iniisip ni Reb habang nakaupo sa bar counter.

Ali: Papa, magkaklase pala si Teacher Anna at Tito Reb noon. Ang ganda nga nilang tingnan kanina para ba'ng tumigil na lang ang oras.

Alex: Alam mo ba'ng masama ang nakikisali sa usapan nang matatanda? Mabuti pa, sa kwarto mo na yan tapusin para makapagpahinga ka na kaagad. Susunod na ako sayo doon.

Ali: Opo. Goodnight po, Tito Reb.

Reb: Goodnight, Ali.

Kaagad pumunta sa itaas si Ali, napatingin naman si Alex sa anak na pumasok kaagad sa kwarto saka lumapit kay Reb na inaayos ang sarili para makapagpahinga na rin.

Reb: Gov. magpapahinga na rin po ako.

Alex: Mag-inuman na muna tayo sandali.

Reb: Wag na po, nasa trabaho po kasi ako.

Alex: Ako naman ang boss mo atsaka nagpapahinga na si Ali kaya tapos na ang trabaho mo. May sinabi kasi siyang magkakilala na kayo nang Teacher Anna niya, kanina pa kasi kita napapansin dito na malalim ang iniisip mo. Siya ba ang laman nang isipan mo?

Reb: Opo, dati ko po kasing girlfriend si Anna na ipinagpalit ko kay Rachel na Ina ni Risa, hindi ko naman po inaasahan na sasama ito sa ibang lalaki matapos mamatay ang anak namin.

Alex: Pinagsisihan mo ba ang ginawa mo kay Anna noon?

Reb: Nang makita ko siya kanina, nagsisisi po talaga ako. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nag-aasawa, dahil sa ginawa ko sa kanya.

Alex: Naniniwala ka ba sa second chance? Alam mo kasi minsan na rin kaming nagkahiwalay nang Mama ni Ali noon pero nagkabalikan rin kami nang magkita kami ulit. Pareho kaming nag-aaral sa siyudad at matagal na rin kaming magkasintahan pero nagkahiwalay rin kami nang naputol ang communication namin tapos nagkita kami ulit dito and then, we fell in love again. Parang ganyan rin ang nangyayari sa inyo ni Anna ngayon, nagkahiwalay man kayo pero ipinagtagpo pa rin kayo nang tadhana.

Reb: Kung bibigyan ako ulit nang second chance ni Anna, liligawan ko po siya ulit at hindi ko na gagawin ang mga ginawa ko sa kanya noon.

Alex: Tama lang ang gagawin mo kaya wag mo nang sayangin ang pagkakataon na ibinigay sayo. Ligawan mo siya ulit at kunin ang tiwala niya, wag kang sumuko kaagad.

You'll be in my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon