Chapter 40 (Ending)

160 4 0
                                    

Nasa harapan nang laptop si Ali habang inaayos naman ni Dave ang ilang papeles na pinapaayos ni Alex sa kanya, lumapit si Gabriel sa kanila na binigyan sila nang maiinum.

Gabriel: Masyado yata kayong busy ngayon? Nalaman ko nga pala kay Papa na officially in a relationship na kayong dalawa kaya congratulations to the both of you.

Dave: Hindi ba't may appointment ka ngayon? Bakit nandito ka pa rin?

Gabriel: Hinihintay ko ang assistant na inilagay ni Ma'am Hilda sa akin, hindi ka na raw kasi pwedeng sumama sa akin at lage mong kasama si Ali o di kaya si Papa kaya binigyan nila ako nang bagong assistant.

Ali: Narinig ko kay Ate Pepay, apo raw ito ni Manang Mercy.

Gabriel: Wag lang sana control freak katulad ni Dave at baka mas lalo akong masiraan nang bait. Ano pala ang gagawin ninyo ngayon?

Napatingin si Gabriel sa babaeng papalapit kasama si Hilda at natulala na lang siya sa ganda nito. Ngumiti naman ito sa kanila na bumati, mas lalong natulala si Gabriel dito.

Hilda: Kilala mo naman si Ali, ang first daughter. Ito naman si Dave ang assistant ni Ali at nang Prime Minister. Ito naman si Sir Gabriel, ang first son. Sir Gabriel, ito naman si Grace ang magiging assistant ninyo.

Grace: Magandang umaga sa inyo.

Dave: Sir Gab, magandang umaga raw.

Gabriel: Narinig ko ang sinabi niya, Dave. Pwede na ba siyang makapagsimula ngayon? Marami kasi akong dapat tapusin sa mga appointment ko at magpapatulong rin ako para sa entrance test for this semester. Pwede mo kaya akong maturuan sa pag-aaral ko?

Grace: Oo naman po, trabaho ko rin po yon sa inyo bilang assistant ninyo.

Gabriel: Excuse us at marami pa kaming dapat gawin. Grace, ayos na ba ang schedule ko ngayong araw? Marami pa naman tayong dapat puntahan ngayon. Ano nga pala ang gusto mong lunch mamaya?

Natatawa sila kay Gabriel habang naging pormal sa harapan nang bagong assistant.

Hilda: Ali, pinapatawag ka nga pala nang Papa mo.

Natigilan naman si Ali na napatingin kay Hilda. Sa opisina ni Alex, naghihintay ito sa kanyang anak habang malalim ang iniisip, napatingin naman si Ali sa kanya na kararating doon.

Ali: The first Prime Minister of the country. Congratulations, Papa.

Ngumiti si Alex sa anak saka lumapit dito na niyakap ito.

Ali: Dapat masaya kayo ngayon pero bakit naman napakalungkot ninyo?

Alex: Masaya naman ako, natupad ko na ang gusto kong mangyari. Masaya na rin ako sa ginagawa nang Kuya Gabriel mo, unti-unti na rin siyang nagbabago. Habang ikaw naman, may boyfriend na rin sa tabi mo na pinagkakatiwalaan ko. I'm so happy for us.

Ali: Wag nga po kayong magsinungaling sa harapan ko, hindi kayo masaya at nakikita ko yon sa inyo. Bakit hindi ninyo kausapin si Tita Mia?

Alex: Hindi na siya makikinig sa mga sasabihin ko sa kanya. Hayaan na natin siya, tahimik na rin ang buhay niya ngayon. Let's celebrate tonight kasama ang mga kaibigan ninyo ni Gabriel, pupunta na muna ako sa meeting nang mga magiging Minister ko. See you all tonight?

Napaisip naman si Ali na napatingin lang sa kanyang Ama.

Ali: Sige po, Papa. Kami na po ang bahala na mag-prepare sa party, basta wag lang kayong malalate at baka magtatampo na ako sa inyo.

You'll be in my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon