Chapter 24

106 3 0
                                    

Inalam ni Miguel kung saan nakatira si Sandra kaya nagbabantay siya sa isang malaking bahay kung saan ito nakatira. Lumabas ang isang kotse sa bahay kaya sinundan niya ito kaagad. Sa kapitolyo, kausap ni Alex si Mayor Ria habang papunta sila sa session hall.

Ria: Sorry talaga, Gov. Kailangan ko kasi ang signature ninyo, naayos ko na rin pala ang palengke at ilang establishments sa paligid nito, ipinagbabawal ko na rin ang pagtitinda sa daan o kahit na sa tabi nang mga kalye.

Alex: Napapansin ko rin ang napakalaking pagbabago sa lungsod ngayon. Mukhang ikaw na talaga ang susunod na magiging Gobernador nang Sevilla.

Ria: Hindi pa po tayo sigurado doon, masyado ring malakas ang mga kalaban ko.

Alex: Tutulongan kita sa kampanya mo para naman maituloy mo ang mga ginagawa ko dito sa Sevilla, ayoko naman na pabayaan ang mga mamamayan dito.

Ria: Makakaasa po kayo, Gov. Ipagpapatuloy ko ang nasimulan ninyo dito, maraming salamat rin po sa pagtitiwala ninyo sa akin.

Alex: Walang anuman yon, alam ko kasi na gagawin mo ang tungkolin mo para sa mga tao dito. Syanga pala, nalaman ko sa anak ko na magbabakasyon raw si Andrei dito?

Ria: Oo, kinukulit na nga niya ako kung kailan kami lilipat dito para raw makapaglaro na sila ni Ali. Pinapaayos ko pa kasi ang bahay namin bago kami makalipat doon pero gusto niya raw na tumira mismo sa inyo, sinabi ko naman sa kanya na hindi yon maaari.

Alex: Bakit naman hindi? Mabuti nga yon at may makakasama si Ali sa mansion habang nasa kampanya ako.

Dumating ang ilang pulis na lumapit kaagad sa kanila saka ibinigay kay Alex ang warrant of arrest para sa sariling Ama nito.

Alex: Dalawang araw na kaming hindi nag-kikita nang Ama ko, pwede kayong pumunta sa mansion para hanapin siya doon.

Pulis 1: Sige po, Gov. Pupunta na po kami sa mansion.

Kaagad umalis ang mga pulis, napatingin naman si Alex sa warrant of arrest. Nagsampa nang kaso si Sandra laban kay Miguel nang attempted murder. Sa school, naglalaro si Ali kasama si Cindy nang habulan. Nagmamadali si Ali nang makabangga niya ang isang lalaki na naka-hood.

Ali: Lolo? Ano po'ng ginagawa ninyo dito?

Miguel: Mamamasyal tayong dalawa, kinausap ko na ang teacher mo kaya pwede ka nang sumama sa akin. Marami tayong pupuntahan at sasakay rin tayo nang eroplano.

Ali: Paano po si Tito Reb?

Miguel: Dadalhin niya kasi ang mga gamit mo sa Mansion.

Ali: Pero po, susunduin po kasi ako ni Papa ngayon.

Miguel: Nagkausap na kami nang Papa mo na ako ang susundo sayo para makapamasyal tayo.

Ali: Kasama rin po ba natin si Lola?

Miguel: Hindi siya makakasama dahil nagbabantay siya sa kanyang pinsan kaya tayo na lang muna ang mamamasyal. Halika na.

Napansin ni Reb na hawak ni Miguel si Ali kaya pinuntahan niya kaagad ito.

Reb: Sir, saan niyo po dadalhin si Ali? Alam po ba ito ni Sir Alex?

Kaagad kinuha ni Miguel ang baril niya at tinutukan si Reb, nagulat naman si Ali sa ginawa nang Lolo niya. Nagsigawan ang mga tao nang makita ang baril sa matandang lalaki.

Miguel: Wag mo kaming susundan, kukunin ko lang ang apo ko. Ilalayo ko siya sa Ama niya, kapag sinundan mo kami, papatayin ko ang batang ito!

You'll be in my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon