Ginagamot ang sugat ni Alex nang kanilang Doktor habang kausap naman ni Miguel ang mga pulis sa labas kasama ang ilang security ni Alex. Lumapit si Camila sa kanyang anak na hindi man lang natatakot, kalmado lang ito habang inaayos nang doktor ang kanyang sugat.
Alex: Ano po'ng ginagawa ni Ali?
Camila: Ginagawa ang kanyang homework at project nila sa science. Bakit mo ba inaalala si Ali kesa sa sarili mo? Ikaw pa naman ang nabaril at muntik nang napahamak kanina pero yong bata pa rin ang iniisip mo.
Hindi na lamang nagsalita si Alex sa sinabi nang kanyang ina.
Doktor: Hindi naman po masyadong malalim ang sugat ni Vice Governor, kailangan niya lang inumin ang ilang gamot na ito para iwas sa impeksyon.
Camila: Marami po'ng salamat, Doktor.
Alex: Magpapahinga na po ako, kayo na po ang bahala sa kanila.
Napatingin naman si Camila sa anak na kaagad pumunta sa itaas. Pumasok si Alex sa kwarto ni Ali, naabutan pa niya itong gumagawa nang project.
Alex: Ang sipag naman nang anak ko, hindi ka pa inaantok?
Napatayo kaagad si Ali na napayakap sa kanyang Ama.
Ali: Papa, ayos lang po ba kayo?
Alex: Wag ka nang mag-alala, ayos lang si Papa. Natakot ka ba kanina? Di ba ikaw na rin ang nagturo sa akin na malayo sa bituka natin ang mga ganitong sugat?
Ali: Pero hindi naman po kayo nadapa o nahulog sa puno, nabaril raw po kayo kaya kayo nasugatan. Narinig ko po kanina sa mga katulong ang mga nangyari, may mga tao raw po na gusto kayong patayin.
Napaupo naman si Alex na pinaupo ang anak sa kanyang tabi.
Alex: Wag mo na yong alalahanin, ang mahalaga ligtas ka. Ayos lang kung ako ang masugatan, wag lang ikaw. Dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyari sayong masama.
Ali: Ayaw ko naman po na nakikita ko kayong nasasaktan.
Ngumiti si Alex sa anak saka hinalikan ang noo nito na napayakap sa kanya. Kinaumagahan, nagmamadali si Fred na pinuntahan si Alex na nag-aagahan kasama ang pamilya.
Fred: Excuse me po, Sir Alex. Nahuli na po ang ilang armadong lalaki na bumaril sa atin kagabi, patakas po sana sila nang lalawigan nang harangan sila sa check point at hindi po kayo maniniwala kung sino ang nag-utos na patayin kayo.
Miguel: Sino ang nag-utos na patayin si Alex?
Fred: Si Governor Rosales raw po.
Napaisip si Alex sa kanyang mga nalaman, bumaba na si Ali kasama ang katulong.
Alex: Mamaya na natin yan pag-usapan. Ali, malalate ka na school.
Ali: Opo Tito, nandyan na po.
Camila: Bakit hindi na lamang natin ipahatid si Ali sa tricycle dyan sa labas? Baka malate ka pa sa opisina niya'n, Alex?
Miguel: Hindi maaari, kung walang maghahatid kay Ali. Ako mismo ang maghahatid sa kanya.
Nagulat si Camila sa sinabi ni Miguel, ngumiti naman si Alex sa kanyang ama na pinapakain si Ali at inaasikaso ito. Nagmamadali ang mag-ama na parehong pabalik-balik sa loob kung anong kukunin.
BINABASA MO ANG
You'll be in my Heart
ActionKilalang pamilya sa boung lalawigan nang Sevilla ang mga Ledesma, dahil na rin sa ilang dekada na pamumuno nang kanilang pamilya sa lalawigan. Pero, gusto naman itong agawin nang pamilya Mendoza sa kanila na matagal nang gustong angkinin ang mga lup...