Chapter 26

95 2 0
                                    

Matapos ang meeting ni Alex sa kanyang bagong mga tauhan, pinatawag niya si Hilda para makausap ito sa dining room habang kumakain si Ali at katabi si Reb.

Alex: Samahan mo kaming mag-agahan nang anak ko at ni Reb, Hilda.

Hilda: Nakakahiya po sa inyo, Sir Alex.

Alex: Ayaw nang anak ko na tinatanggihan ang pagkain sa harapan niya, baka siya pa mismo ang magpaupo sayo dyan.

Napatingin si Hilda kay Ali na ngumiti sa kanya kaya umupo siya kaagad.

Alex: Masasanay ka rin sa pamilyang ito, hindi na iba si Reb sa aming mag-ama. Kung ano ang ginagawa ni Ali, palage siyang nakabantay dito at kung ano man ang sabihin nang anak ko, ginagawa niya kaagad.

Ngumiti naman si Reb kay Hilda na inaasikaso si Ali.

Alex: Gusto ko lang malaman sayo kung bakit naisipan mong bumaba sa bundok, nahihirapan ka na rin ba sa buhay ninyo doon?

Hilda: Hindi na po kasi tama ang ginagawa nang mga kasamahan ko at wala na sa aming mga hangarin ang gusto nilang mangyari. Kaya umalis ako at nalaman kong naging maganda ang buhay ni Reb simula nang kinuha ninyo siya. Kaya humingi ako nang tulong sa kanya para magsimula ako sa bago kong buhay at para na rin makuha ko ang anak ko sa aking pinsan.

Alex: Madali lang naman ang hinihingi mo, matutulungan kita sa gusto mong mangyari. Kaya nga nang irekomenda ka ni Reb sa akin, hindi na ako nagdalawang-isip na kunin ka. Alam ko kasi na malaki ang maitutulong mo sa team ko.

Hilda: Maraming salamat po sa inyong pagtitiwala sa akin, tatanawin ko itong utang na loob sa inyo, Sir Alex. Sisikapin kong magawa ang mga ipapagawa ninyo sa akin.

Alex: Wag mong sabihin yan, Hilda. Hindi ito utang na loob, kinakailangan na matulongan ko ang mga nangangailangan. Kung may magagawa ako, gagawin ko ito nang boung puso ko. Ayaw ko pa naman na pagalitan na naman nang anak ko kapag wala akong ginagawa, lalo na at may mga nangangailangan nang tulong.

Ali: Kahit sino naman po ngayon kailangan talaga nang tulong, hindi lang nila sinasabi pero nakikita naman iyon sa kanila.

Hilda: Ilang taon na po ang anak ninyo?

Ali: 12 years old na po ako, ganito po talaga akong magsalita kaya masasanay rin po kayo.

Reb: Ganyan talaga magsalita si Ali, Hilda. Minsan, nakikisali pa yan sa usapan namin.

Ali: Tita Hilda, marunong po ba kayong humawak nang baril?

Ngumiti si Hilda sa batang babae na nagtatanong.

Reb: Kumain ka na, Ali. Wag ka nang makipag-kwentohan.

Alex: Nasaan na ngayon ang anak mo, Hilda?

Hilda: Nasa Sevilla po ito, lumaki siya sa pinsan ko at silang mag-asawa nito ang mga kilala niyang mga magulang kaya nahihirapan akong kunin siya. Hindi ko alam kung maiintindihan niya ako, 12 years old pa kasi siya.

Ali: Bakit po ako naiintindihan ko kaagad na si Papa Alex ang Ama ko at hindi si Tatay Diego? Tapos walong taong gulang pa ako noon nang sabihin ni Tatay Diego sa akin ang katotohanan tungkol sa pagkatao ko.

Alex: Ali, hindi naman kayo magkatulad nang pag-iisip nang anak ni Hilda. Bukas na ang isipan mo at marami ka nang nalalaman kaya madali na lang sayo na maintindihan ang lahat.

Hilda: Paano mo naintindihan kaagad na iba pala ang mga magulang mo, Ali?

Ali: Inisip ko po na dapat kong intindihin ang ginagawa nila, dahil para sa akin rin naman yon. Itinago nila ako para mailigtas at hindi madamay sa kagulohan nang dalawang pamilya, kaya bakit ko sila sisisihin? Kasalanan ba'ng mailigtas ang buhay ko sa kapahamakan? Wala namang magulang na nagnanais na mapahamak ang kanilang anak, kaya hindi po ako nagagalit sa pagkakatago nila sa akin.

You'll be in my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon