Kabanata 16 : Ghostwriter

0 0 0
                                    


" Ikaw ba ?-ang nagsulat Ng Akdang FREEDOM para sa CASTRO COMPANY?"

Napatigil ako nang marinig ko ang sinabi niya papaano niya nalaman ang bagay na iyon.

"Kaya ba ayaw mong tangapin ang tulong ko?? At ang pagiging Ghostwriter ko dahil naging Ghostwriter karin nang lalaking iyon?"

...

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya, pinigilan ko na ang sarili ko at baka makalimutan ko pang babae siya.

"Umalis ka na!!"

Mahinahon kong sabi sa kaniya naglakad ako papalapit sa table at alam kong nakasunod lang ang mga mata niya sa akin.

Nakita ko ang script na iyon sa table ko kinuha ko iyon, at kinuha ko din ang lighter na nasa bulsa ko, nakatitig lang siya sa akin .

"Mas pipiliin ko pang manakawan nang gawa"

"Kaysa makinabang sa gawa ng iba"

Sinunog ko sa harap niya ang papel na iyon at binato sa kaniya, pero nakatitig lang siya sa akin diretso lang ang titig niya na para bang walang pakialam sa papel na sinunog ko, dahil hindi ko matagalan iyon umalis ako sa harap niya.

"Makakalis kana "

Ayun lang ang sinabi ko at umalis na ng kwarto.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Daddy... Daddy..."

Masayang masaya ako bumaba sa kwarto ko habang hawak hawak ang print ng ginawa kong storya. Nakita ko siya na nakaupo sa sala kaya dali dali kong iniabot yun sa kaniya tinitigan niya lang ako ng may pag tataka kaya, kinabahan ako sa kung anong sasabihin niya sa oras na mabasa niya na ng ginawa ko.

Sikat na manunulat si papa, at isa rin siya sa mga Shareholder ng De castro.
...

Kaya iniidolo ko siya nag paturo ako para matuto ako ng pagsusulat ng kwento. Gusto kong maging kasing galing niya....

Tahimik niya lng binasa yun, nang mapansin kong di man lang siya nag karoon ng emosyon sa unang parte nawalan na ako ng gana.

Ang sabi kasi nila, kapag hindi mo daw nakuha ang atensyon ng mambabasa sa unang parte ng pahina, hindi niya na nanaisin basahin pa ang susunod.

Napalunok ako ng ilang beses bago nagsalita.

"Hindi po ba maganda?"

Tinitigan niya lang ako at inilapag sa lamesa ang drafts ko.

Wala siyang ibang sinabi at humithit lang ng sigarilyo.

"Maganda naman siya"

Agad naman lumiwanag ang mukha ko, minsan lang pumuri si papa ng gawa ko kaya. Alam kong totoo ang sinabi niya. Ilang araw narin kasi hindi matanda ang timpla niya dahil siguro sa kinahaharap na problema ng kompanya nila.

.....

Nakalipas ang ilang araw, umuwi ako noon galing sa school, napagdesisyonnan kong mag ikot ikot muna sa bookstore at bumili ng ilang libro.
Pero may napansin akong pinagkakaguluhan ng ilang tao sa loob ng bookstore, baka bagong labas na libro dali dali akong pumunta doon at nakita ko nga na may mga bagong ilalabas ang decastro Comp. At laking gulat ko na ang pamagat ng isang libro na ilalabas nila ay ang Freedom na ako ang gumawa pero, pangalan ni ama ang siyang Nakasulat na may akda.

EL OCASO (Dapithapon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon