kabanata 7 "Pueblo Feliz"

3 0 0
                                    

Philippine 1893

...Pinagtitinginan ako ng mga tao sa aking pag lalakad.
iniayos ko nalamang ang ayos ng aking saya at pañuelo,

Hindi ko maisip kung ano ang aking itsura ngayon ngunit sigurado akong sa gulo ng aking kasuotan at ang aking buhok ay malayong mapagkamalan ako na isang baliw.

Nagpalinga linga ako sa paligid at hinahanap ang lugar kung saan itinuro ng misteryosong lalaki kagabi.

Ang kalsadang ito na napapalibutan ng mga bahay na bato, hindi ko alam na ganito pala kagulo ang mundo at kay gulo pala nang labas ng aming tahanan.

Nagsisigawan at nagtatrabaho ang lahat.

Napaiwas ako sa mga kalesang kumakaripas at natatakot sa pagtawid sa kabilang kalsada, napatingin ako sa binibini na kakalabas lang ng kapilya.
Sa tingin koy hindi malayo ang edad niya sa aking ina.

Suot niya ang mamahaling polonesa. At isang malaking sumbrero de malborough. Sa unang tingin ay para siyang isang Espanyola sa kaniyang ayos ngunit hindi maiitatangi na siya ay isang filipina.

"Binibini mawalang galang na"

"Lumayo ka nga sa akin, Mendigo!"(beggar)

Agad akong napaatras at napayuko sa kaniyang pagtawag sa akin, at nanlumo sa kaniyang paratang . hindi ako pulubi.

"Pakiusap binibini nais ko lamang magtanong ng direksyon"

"Callate, huwag kang lalapit sa akin"

Napatitig na lamang ako sa kaniya. Nakasuot rin siya ng puting belo sa mukha. Galing nga siya sa kapilya.

Susubok muli sana ako sa pagtatanong ng bigla nalamang niyang hinampas sa akin ang hawak niyang abaniko.
Dahil sa pagkakagulat ay hindi agad ako nakagalaw sa aking kinakatayuan.

" Isa kang pulubi..Oh dios mío, lumalapit ka sa isang ilustrado at mapangahas na hahawak sa aking mamahaling kasuotan. VETE!!!"*go away*

"Abay talagay ipinapantay mo pa ang tingin mo sa akin.. Napakabastos dios mio!!"

Sa muli kong pagtingin sa kaniya ay agad na lamang ako napapikit dahil sa pag amba niya muling paghampas sa akin gamit ang kaniyang abaniko.

"Anciana, perdona" *excuse me old woman*

Napatingin ako sa likod ng isang lalaki na nakatalikod sa akin, sa tingin koy sinalo niya ang hampas ng babae sa akin.

"Ano ang inyong sinabi? Anciana?"

"Mawalang galang na po, Ang pananakit ng isang batang babae ay hindi kagandahang asal"

Rinig ko ang madiing salita niya, sa tindig niya ay mukha siyang may pinagaralan, matangakad siya sa akin. At kaniyang tikas ay tunay na may pag ka maginoo.

"Hindi niyo ba pansin na napapagtinginan na kayo, at ang iilan pa ay mga bata?"

"Ang masamang gawain ng matanda ay mabuti sa mata ng bata!, Kaya mas maganda kung iisipin niyo muna ang inyong inaasal lalo nat nasa publiko kayong lugar"

Pangangaral ng lalaki sa babae, rinig ang bulungan ng mga tao sa paligid agad naman siyang napataas ng kilay kanina lang ay ako lang ang hinahamak niya pero ganun nadin ang titig niya sa lalaki.

"Dios mio, ginoo hindi ko nagugustuhan ang iyong sinasabi. Ako pa ngayon ang bastos sa kabila ng ginagawa mong pag sasalita sa akin ng ganiyan"

"Hindi ko po nais na bastusin kayo manang---

EL OCASO (Dapithapon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon