kabanata 22: ang araw at gabi ni sisa

2 0 0
                                    


Philippines 1895

Narsisa POV

Nagising ako nang may marinig akong mga yabag ng paa mula sa labas ng kwarto.

Ilang minuto rin iyon at agad din nawala, gabi parin at madilim.
Tila kuliglig lamang ang siyang maririnig sa mga oras na ito.

Napalibot ako ng tingin sa kwarto na aking tinutuluyan, simple lamang ito ni walang kahit anong kagamitan maliban sa kama at lamesa na maliit sa tabi nito.

Kinuha ko ang balabal na siyang nakasabit sa silya at agad ipinilit tumayo.

Ramdam ko ang sakit ng paa ko sa mabilis naming pagtagpo at mukhang malayo-layo na rin kami sa hacienda dalya.

Pinilit kong ihakbang ang aking paa dahil hindi ko matagagalan sa kwarto na ito.

Binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa biglang pagsulpot ng isang lalaking may hawak na gasera,

"Sino ka!"

Agad akong napa-atras, mukha rin naman siyang nagulat at nabato sa kaniyang kinakatayuan, sinamaan ko nalamang siya ng tingin at bakit ba bigla bigla na lamang siyang sumusulpot, kanina pa ba siya riyan sa labas???

"Patawad, binibini nagising ko ba kayo?"

"Ano ba kasing ginagawa mo diyan sa labas ng silid?"

"Nais ko lamang sana tignan kung natutulog na kay-

"Minamanmanan mo ko?"

Putol ko sa pagsasalita niya agad naman siyang umiling-iling.

"Hindi binibini-

"Kung gayon bakit ka naririyan? At kung isasagot mo lang din sakin ay para bantayan, hindi ako preso para lamang sa kaalaman mo"

"Hindi naman sa ganun-

*Blag*

Hindi ko na muli siya pinagsalita pa at agad kong sinarado ang pinto sa mukha niya, ayoko nang makarinig pa ng kung ano-ano sa kaniya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hindi ko na muli siya pinagsalita pa at agad kong sinarado ang pinto sa mukha niya, ayoko nang makarinig pa ng kung ano-ano sa kaniya.

Nasa labas siya ng silid na parang ano mang oras ay bigla siyang aatake.

Mga walang kwenta talaga ang mga lalaki.

"Patawad binibini, nais ko lang sana kamustahin kayo"

"Sinarado ko ang pinto na nagpapahiwatig na ayaw kong kumausap kahit kanino, kahit yun lang sana matutunan mong irespeto"

Sigaw ko, tama na yun upang marinig niya sa labas. Nakita ko ang repleksyon ng ilaw ng gasera sa sahig at mukha atang umalis na siya dahil wala ng liwanag doon ngayon.

EL OCASO (Dapithapon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon