Aldren POV.
Hininto ko ang sasakyan ko sa harap ng building ng company namin.
Napatingin naman ako sa katabi ko na nagtataka lang na nakatitig sa akin.
Lumapit na ang valet sa akin at iniabot ko na yung susi at bumaba.
Hindi ko alam kung ano ang mga mararamdaman ko sa oras na ito dahil alam kong pagkatapos nito magiiba na ang tingin ng lahat sa akin.
Babalik ako mula sa umpisa at aayosin ko ang gulong pinasok ko.
Kung hindi pa ngayon, siguradong hindi ko na magagawa pa.
Lumipat ako sa kabilang pinto at pinagbuksan siya nito.
Nakatitig lang siya sa akin na para bang sinasabi niyang.
'anong ginagawa mo'
Pero di ko na lang siya pinansin at sinabing.
"Bumaba ka na diyan"
Dahan dahan siyang bumaba ng sasakyan ko at hawak hawak niya ang mahaba niyang dress na puti.
Bakit ba palagi nalang siya naka white dress, pero sinabi ko kasi sa kaniyang magsuot siya ng pormal at mag ayos.
Nakaladlad ang Kulot niyang buhok at nakapusod ang magkabila niyang buhok sa gilid para narin siguro hindi humarang sa mukha niya ang buhok niya.
Nakasuot din siya ng plain na makeup at bagay na bagay naman sa kaniya.
Sa likod ay naka hair ornament siya na hugis paro-paro na kulay dilaw. Na bumagay sa ayos at kulot niyang buhok.
Nang mapatingin siya sa akin ay iniwas ko na ang tingin ko napansin niya siguro na ieeksamin ko ang ayos niya.
"Ang gusaling ito? mr aldren? Ano ang ipinunta natin dito"
Hindi ko nalang pinansin ang tanong niya inayos ko ang amerikana ko at tie, isinuksok ko sa bulsa ko ang dalawa kong kamay at nagsalita.
"Sumunod ka sa akin"
Dire-diretso ako pagpasok sa building lahat ng tao ay binati ako at tumango tango lang ako ng makasakay ako sa elevator ay inantay ko pa siya makapasok dahil manghang mangha siya sa paligid niya.
"Hurry up"
Ayun lang ang sinabi ko. Sa guard naman na nagtatakang tumingin sa akin at nilibot ang mata sa paligid niya.
Nang makapasok na siya sa loob ay agad kong sinara ang elevator.
Ilang segundo din kaming natahimik sa loob ng mapansin kong nakatitig lang sa akin si luma.
"Bakit?" Tanong ko
"Mukha atang, hindi mo inilabas ang ikatlong parte ng nobela??"
Nagtatakang tanong niya.
"Hindi ba nakatulong sayo ang ginawa kong manuscripto?"
Mahinang sabi niya iniling iling ko lang ang ulo ko at nilingon siya.
"You'd better to look for a new place to live?"
Sagot ko sa kaniya nakita ko naman ang ekspresyon ng mukha niya na lalong nagtaka.
"Akala ko bay magkasama tayo sa bahay hangang sa matapos ang nobela?"
"No-
Hindi na ako sumagot at hinarap siya tinignan ko siya mula ulo hangang paa at tinignan kung maayos ba ang ayos niya.
"Because...
Humarap na ako sa may pinto ng elevator at Sa pagbukas nito sigurado akong makakaya ko ito.
BINABASA MO ANG
EL OCASO (Dapithapon)
Ficción HistóricaA famous novelist Aldren De castro is a best selling writer in a present time he attends a book signing event where he comes across an old pocket watch a spanish watch from 1800s . Then he learned that the watch is from Philippines , and owned by an...
