FRANCISCA POV.
"Kinakabahan ka ba?"
Napabuntong hininga na lamang ako sa muling pagtatanong ni Madam melia,
Ngumiti na lamang ako kahit na ang totoo ay parang sinisilaban ang aking tiyan sa kaba, para akong masusuka o maiiyak or matutuwa para tila halo-halo na ang aking emosyon sa mga oras na ito."Sa una lang yan francisca, alam mo ba mayroon akong narinig na kataga noon na kapag hindi ka na kinakabahan sa isang bagay na gusto mo, ibig sabihin hindi ka na masaya gawin ito"
Eh? Kakabahan talaga ako kay tagal nang huli akong sumayaw ngayon pa na marami ang panauhin ni Ginoong feliz at alam kong maraming kilala pang tao ang dadating.
Jesus maryosep talaga parang lahat na ata nang santo ay kaya kong tawagin sa oras na ito.
"Kaya ko ito"
Bulong ko sa aking sarili, ngayon ay nakasuot na ako nang isang napakagandang terno nang baro't saya ito ay halong kulay nang puti at burdang itim na bulaklakin kay ganda talaga at ang ilang abaloryo ay kumikinang na mas lalong nagpapaganda sa panuelo nito.
"Napakaganda nang baro't saya na ito madam melia"
"Siyang tunay francisca at alam mo ba nang makita ko yan sa maynila ay ikaw agad ang pumasok sa isip ko pinaayos ko pa ang ilang parte dahil nais kong mas lalo pang bumagay ito sayo"
"Madam melia, maraming salamat po talaga ngunit, ayos naman na po ako sa simpleng baro't saya"
"Haynaku francisca ang damit na yan ay siya narin regalo namin sa paparating mong kaarawan, at alam kong isa ito sa mga espesyal na araw na maari mong suotin yan"
"Napakaganda niya po talaga"
Maluha luha kong bangit habang tinititigan ang aking repleksyon sa salamin.
"Francisca huwag kang umiyak kakaayos lamang natin nang iyong kolerete. Pigilan mo muna yan, maari ba"
Natawa naman bigla ako sa mabilis na pagawat sa akin ni madam melia.
"Ano po bang mangyayari sa labas?"
"Ito ang ikalabing limang taon nang pueblo feliz at salubong narin sa kaarawan ni feliziano "
"Ho? Kaarawan po ni ginoong feliz?"
"Ayy hindi ba namin nabangit sayo?"
Ano? Kaarawan niya at inuna ko pa ang pagbili nang sarili kong baro't saya, ni hindi man lang ako nakapaglabi nang handog sa kaniya.
"Naku ineng wag mo nang isipin yun, ang feliz na yun hindi marunong makapagpahalaga nang nga regalo, hindi niya kayang magpasalamat"
Bulyaw pa nito, kahit na kahit man lang ano ay sana nakabili ako.
"Francisca tinatawag na daw tayo doon, sasalubungin ka ni Feliz ipapakilala ka niya rin sa iba niyang kakilala bilang pamangkin maari ba yun?"
"Opo"
Tumango nalang ako bilang tugon at isinuot ang aking alpombra. Sumilip ako muli sa salamin.
"Andidiyaan kaya siya?"
Ngiti kong bulong.
-------------
ALFREDO/JOSE POV
"Naku ikaw na kabayo ka ngayon ka pa talaga nagloko "
Napapikit na lamang ako sa inis nang marinig ko ang sinabi nang kutsero habang pinipilit niyang itayo ang kaniyang kabayo na nakahiga sa lupa.

BINABASA MO ANG
EL OCASO (Dapithapon)
Historical FictionA famous novelist Aldren De castro is a best selling writer in a present time he attends a book signing event where he comes across an old pocket watch a spanish watch from 1800s . Then he learned that the watch is from Philippines , and owned by an...