Binuksan ko ang pinto ng dahan dahan, at sinilip ang puwang nito kung may tao ba sa labas ng kwarto ko o wala, pero napaisip naman ako bigla tao??Multo— nga pala siya.
Nanlaki ang mata ko ng biglang bumukas ang pinto ng malakas at muntikan pang humampas sa mukha ko napatitig pa ako sa pinto at unting unting naglalakad papalapit sa akin si luma.
" STAY AWAY !" Sigaw ko, Bigla naman siyang napatigil at hinarang ang kamay niya ng iaakma kong isasarado ang pinto tinitigan niya lang ako ng masama.
" hangang kailan ka ba, iiwas ha?"
Galit niya pang sabi."Teka??? Bakit parang ikaw pa ata ang galit ha" sambit ko.
Pero kumunot lang ang noo niya."Una sa lahat hindi ko gustong magtago sayo noh, pangalawa ayaw ko sayo, at pangako ayaw kitang nandidito sa bahay ko hangat hindi ka lumalabas sa bahay ko wala na tayong ibang pag uusapan pa" dire-diretsong sabi ko " hindi rin ako sanay na maglakad-lakad dito sa bahay na may kasamang white lady" diin ko sa kaniya nanlaki naman ang mata niya at muka pa atang magsasalita.
"Hindi ako white lady!!!—
Sinarado ko bigla ang pinto kahit hindi pa siya tapos magsalita.
Hangang kailan niya ba balak na magstay dito sa tuwing naiisip ko na multo siya kinikilabutan agad ako.Napasandal ako sa pinto at napahilamos sa mukha ko dahil nagugutom na ako at hindi ako makalabas dahil alam kong susundan at susundan lang ako nun.
"Kailangan mo akong kausapin"
Sigaw pa niya sa labas di ako sumagot at hinayaan lang siyang lumabas.
"Kailangan mong matapos ang nobela, at matatapos mo lang yun kung hahaayaan mo akong magpaliwanag"
Pinikit ko lang ang mata ko at hinarap siya. Ngumiti ako at para namang biglang lumiwanag naman ang mukha niya.
"Di mo ba ako naiintindihan una, ayaw ko sayo una palang.
Ayaw ko sa presensya mo.
At ang pangatlo ayaw ko sayo kasi isa kang mul-----Napapikit ako sa inis at inisip ko para saan pa ang pagpapaliwanag ko eh, hindi naman siya marunong makinig. Sinarado ko uli ang pinto at sumandal doon.
Bigla kong naramdaman ang pag kulo ng tiyan ko dahil sa gutom. Napatingin ako sa buong kwarto dalawang araw na ata ako nag stay dito at ni hindi ko magawang lumabas.
Tatawagan ko sana si mr ahn pero alan kong busy siya ngayon , gawa ng libro na isinusulat niya.
"Kaya mo ito"
Huminga ako ng maluwag at dirediretso lumabas sa pinto mabuti naman at wala na siya dito , dumiretso agad ako sa kusina palingon lingon pa ko if may sumusunod pero wala naman , napatingin ako sa orasan ko at ala una palang pala ng hapon,
Binuksan ko ang ref at nakakita ako dun ng kahit papaano ay makakain, hindi ko alam if dito ako kakain or sa kusina pero dahil kailangan initin eh na pagpasyahan kong dito nalang.
Natapos akong kumain na walang kahit anong nanggulo sakin , umalis na kaya siya? Sana oo'
Tumayo na ako at agad na nagpalinga linga ng biglang marinig ko na may tumatawa sa loob ng sala at nakabukas ang TV
Napapikit nalang ako.
Ano pa ba ang mas gragrabe sa may kasama kang multo sa bahay mo???
Eh yung multo eh tuwang tuwa sa palabas sa TV.
"Tapos ka na ba kumain ginoo? Halika na dito samahan mo akong manood sa Tv na ito, nakakatawa sila panoorin "
At tumawa nanaman siya napakunot nalang ako ng ulo, napatitig muli ako sa kaniya feel at home yun lang nasabi ko.
BINABASA MO ANG
EL OCASO (Dapithapon)
Ficción históricaA famous novelist Aldren De castro is a best selling writer in a present time he attends a book signing event where he comes across an old pocket watch a spanish watch from 1800s . Then he learned that the watch is from Philippines , and owned by an...