Kabanata 21 "Special chapter"

3 0 0
                                    

Philippines 1895

Alfredo POV

" Aalis na ako hindi maaring magsabay tayo. sa pag alis ako ang mauuna , magkita nalang tayo dun"

Umalis na si sinag sa makipot na kalye ng sto Nino ,kung saan kami nagtago dalawa, simple lamang ang suot niya, at dahil narin sa pagtali ko sa braso niya ay kahit papaano ay hindi na nag dudugo ang braso niya nais ko pa sanang sumunod agad sa kaniya pero katulad ng inutos niya ay kailangan ko munang magtagal bago sumunod.

Nakita kong pumasok siya sa pueblo feliz pagkapasok na pagkapasok niya ay para naman akong nabunutan ng tinik sa lalamunan.

Ngunit bigla nalang may mga nagmamatyag na gwardya sibil dahilan para magmadali ako sa paglalakad.

-------

Nakabantay lamang ako sa kaniya hangang mapansin kong malalim na ang kaniyang pagtulog.

Hininaan ko na ang apoy ng gasera at iniayos ko na rin ang kumot niya.

Tatayo na sana ako ng mapansin ko ang reloj de bolsillo ay nasa bulsa ko parin.

Hindi ko inaasahan na muntikan na kaming mamatay dahil rito pero mukha atang naging maganda rin naman ang naging resulta.

Kinuha ko na ang kahon na pinaglalagyan ng paiñetang regalo ko sa kaniya at isinilid din roon ang reloj.

Ipinatong ko iyon sa mesita.

Bago ako umalis ay hinipo ko muli ang noo niya maaring magkaroon siya ng lagnat dahil sa naging sugat niya.

Mabuti naman at ayos lang siya, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa oras na mawala siya.

Bakit ba ko nag-iisip ng ganito, walang mangyayari sa kaniya. Lalo na't nahanap na niya ang kaniyang kapatid at sigurado akong sa oras na ito pagtutiunan niya na lang ng pansin ang kapatid niya at hindi magtatagal ay makakalimutan niya rin ang samahan.

Sana nga.

Sa lalim ng Gabi talaga ay hindi mo maiiwasang, mag-isip ng mga ganitong bagay.

Ngunit sumagi lang muli sa akin ang sinabi ni antonio, na pagkatapos nito ay may pangarap siyang nais tuparin.

May ganoon rin ba akong pangarap?

Papangarapin ko rin kayang magka-pamilya?
Pangangarapin ko rin kaya na makasama ka?

"Tila kay lalim ng iniisip mo?"

"Oh? May masakit ba??"

Agad akong lumapit kay francisca na pinipilit maupo sa kama, inalalayan ko siya hangang maging komportable ang upo niya rito.

"Ayos lang ako, gusto ko lang uminom ng tubig"

"Ah sige, sandali"

Agad kong sinalinan ang baso ng tubig at dahan-dahan iyon inabot sa kaniya.

"Nagugutom ka ba?"

"Hindi"

"Ah, kailangan mo munang magpahinga, tara at tulungan kitang makahiga ng maayos"

"Ayos lang ako, ikaw dapat ang siyang tanungin ko kung ayos ka lang?"

"Bakit?"

"Kanina ko pa naririnig ang pag buntung hininga mo? at tila nalulunod ka na sa sarili mong isip? Ayos ka lang ba?"

"Nagising ba kita?"

Nahihiyang tanong ko sa kaniya, hindi ko inaasahan na naririnig pala niya yun at naistorbo ko pa ang pagpapahinga niya.

EL OCASO (Dapithapon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon