(☞ ಠ_ಠ)☞ AUTHOR NOTE.
Ang buong bahagi/kapitulo na ito ay iikot sa naging buhay nang mga Tauhan sa taong isang libo't walong daan at siyam na pu't apat, hinihiling ko na nawa'y magustuhan niyo ang kwento ♡♡
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Las Islas Filipinas 1894
Francisca POV
Hindi pa tumitilaok ang manok ay agad na akong bumangon, hindi dahil sa maaga akong gumising ngunit dahil simula nang makarating ako sa pueblo feliz ay malimit na akong nakakatulog nang maayos.
Katulad nang bawat araw ay inayos ko ang aking pinaghigaan at nagdasal na sana'y maging maayos ang araw ko at naway nasa maayos rin na kalagayan nila ama at ina lalo na si sisa.
Agad akong nagtungo sa kusina at inihanda ang mga sangkap na gagamitin ko sa pag sangag nang kanin at pagprito nang isda at itlog para sa umagahan.
Sa pueblo feliz ay walang kaning bahaw nauubos yun tuwing gabi kaya ang ginagawa ko ay nag sasaing muna at ang kalahati nun ay aking isasangag.
Mukhang matrabaho ngunit nakasanayan ko narin.
Dito lamang umiikot ang bawat araw ko magluluto mamalengke magluluto tutulong sa paglilinis nang pueblo feliz at sa gabi ay sinasanay upang magtanghal.
Kaytagal na nang huli akong tumungtong nang entablado upang magtanghal nang flamenco, bakit ko pa kasi nabangit kay estela ang bagay na iyon kaya ngayon nakarating kay madam melia kaya ayan tuloy sinasanay na ako para magtanghal.
"Bakit ba kasi ang daldal ko."
"Francisca?"
"Ayyy-
Agad akong napasigaw nang biglang may tumawag mula sa likuran ko, nakita ko naman agad si antonio na nakasandal sa gilid nang pinto, at tila natatawa pa.
"May kausap ka ba?"
Takang tanong nito habang tumitingin tingin sa paligid.
Napatawa nalang ako dahil sa hiya, bakit ba kasi narinig niya pa yun.
"Wala iyon antonio kumakanta lang ako"
Pagsisinungaling ko.
"Kumakanta ka narin? Pwede ko iyan bangitin kay tiya melia upang matanghal mo rin yan sa entablado-
"HINDI HUWAG!!!"
sigaw ko naman agad sa kaniya, bigla naman siyang humagalpak nang tawa sa naging reaksyon ko, hiya ko naman ibinaba ang mga kamay ko.
"Patawad hindi ko sinasadya nakakatawa lang ang iyong reaksyon"
"Kasi naman hindi naman ako ganoon kagaling sa pag awit"
"Alam ko narinig na kaya kita"
Nanlaki naman bigla ang mata ko at napanganga sa kaniyang harapan sa gulat.
"Narinig mo ako???"
Tumango tango naman siya at waring napakainosente nang mukha.
Napapikit nalang ako sa kahihiyan at napayuko, ano bayan nakakahiya.
"Huwag ka ng malungkot hindi lang naman ako ang siyang nakarinig"
At sa pagkakataon yun ay hindi ko na mapigilan hindi balutin nang kahihiyan ang buong katawan, kung gayon ay may iba pa. Ano ba yan.
"Ano?? "
Tumawa nanaman siya habang ako naman ay lugmok na lugmok sa kahihiyan, lumapit siya sa akin at walang ka amor amor silipin ang niluluto ko sa palayok at ako naman ay nakatulala lang sa kawalan sa kahihiyan.
BINABASA MO ANG
EL OCASO (Dapithapon)
Historical FictionA famous novelist Aldren De castro is a best selling writer in a present time he attends a book signing event where he comes across an old pocket watch a spanish watch from 1800s . Then he learned that the watch is from Philippines , and owned by an...
