Philippines 1894
Antonio POV
" Ginoong Antonio?"
Dahan dahan kong nilingon ang taong tumawag sa akin agad akong napatayo sa kinauupuan ko at nakita kong babangon na sa pagkakahiga si Francisca. Agad ko siya kinuhanan ng maiinom at inalalayan siyang makaayos ng upo.
" Salamat naman at maayos ka na"
Matipid lang siyang ngumiti.
Umupo ako sa silya tabi ng kaniyang cama. Nanatili lang siyang nakatingin sa malayo habang ako nakatitig sa kaniya.
Mga ilang minuto din kami sa ganoong posisyon. Pero hinayaan ko nalang muna siya.
Hindi ko siya masisisi, alam kong mabigay ang kaniyang pinagdadaanan pero Hamak na nakakabilib siya dahil sa kabila noon 'ay nanatili siyang matapang.
" Francisca"
Napatawag agad ako sa kaniya ng makita ko siyang tinakpan niya ang kaniyang mga mukha.
" Kailangan kong maging matapang "
Bulong niya nga paulit-ulit sa kaniyang.
Nanatili na lang akong tahimik.
" Maililigtas ko siya pangako"
Sobrang bigat ng kaniyang nararamdaman ngayon pinipilit niyang huwag ipakita ang sakit pero sa itsura niya ngayon ay hindi maiikukubli.
" Francisca "
Tawag ko muli sa kaniya.
Dahan dahan niyang tinangal ang kamay niya sa mukha niya at humarap sakin.
Muli ngumiti nanaman siya.
Kinuha ko ang panyolito sa aking bulsa at pinahid sa kaniyang mga mata patuloy kasi itong tumutulo.
"Magiging ayos ang lahat"
Mahina kong sabi sa kaniya.
Umupo ako sa may tabi niya at hinayaan siyang sumandal sa aking balikat.
Hindi ko alam papaano ko mapapawi ang sakit na kanyang nararamdaman pero ang kaya kong gawin ay manatili sa tabi niya sa mga panahon na ito.
... ;
" ISA PA !!!
Lumipas ang ilang araw ay malimit ko ng nakakausap si francisca palagi na siyang abala sa gawain sa pueblo feliz . Kung magkasalubong man kami ng daan ay kamustahan lang ang siya namin nababangit at hangang doon lang.
Ngayon ay malayo ko silang pinapanood ni ginoong feliz na nag aaral humawak ng baril.
Kitang kita ko ang pag kamangha sa mata ni ginoong feliz dahil sa bilis matuto ni francisca simula sa paghawak ng pistola at rifle.
Mukhang sinusubukan siya ngayon ni ginoong feliz hawak hawak ngayon ni francisca ang isang rifle at naglagay naman si ginoong feliz ng isang bote sa layo ng 25 yarda at isa naman ay 100 yarda ang layo.
Silang dalawa lang ang nagsasanay sa gitna ng bundok na ito at pumunta lamang ako dito upang kahit papaano ay makapag paalam.
Rinig na rinig ang sigaw ni ginoong feliz.
" FRANCISCA ITO NA ANG SIYANG HULI NATING PAGSASANAY ! BUKSAN ANG IYONG ISIP AT HAYAAN MONG MAGING ISA KAYO NG RIFLENG HAWAK MO, TAMAAN ANG KAAWAY AT MANATILING KALMAD---
hindi pa tapos sa pag sasalita si ginoong feliz ay agad agad bumaril si francisca at natamaan niya ang dalawang bote . Sa layo ng 25 yarda at 100. Napangiti naman ako sa pagkamangha agad agad niyang nilapitan si ginoong feliz bakas sa mukha ni francisca ang saya ng mapagtanto niyang na tamaan niya ang tiro al blanco.
BINABASA MO ANG
EL OCASO (Dapithapon)
Ficção HistóricaA famous novelist Aldren De castro is a best selling writer in a present time he attends a book signing event where he comes across an old pocket watch a spanish watch from 1800s . Then he learned that the watch is from Philippines , and owned by an...
