kabanata 4. "Kalungkutan"

8 0 0
                                        

(maybe mga chapters kayong maguguluhan kayo at mapapa-huh??bat anlayo na ata--so i decided to put a year para di rin ako malito😂😂)

PHILIPPINES 1882

(9yrsold) Alfredo jose de dios POV

Nag simula na ang misa , pumasok na si padre Anton , at may roon siyang dalang insenso ,napalibot ako ng tingin sa loob ng simbahan ng san fernando , lahat ng lalaki sa simbahan ay nakayuko at nakababa ang suot na sumbrero ganoon din ang ginawa ni ama , si ina naman ay nakaputing belo at naka yuko din .

Nang mapansin ni ama na ako ay palinga linga agad naman niya akong kinalabit at itinurong yumuko .

Sa aking pagyuko napansin ko ang isang Gintong paineta na nakaipit sa luhuran ,dahan dahan ko iyong kinuha upang hindi ako mapansin ni ama , agad ko iyon binulsa dahil mag sisimula na ang misa .

Sa kalagitnaan nang pagrorosaryo ng lahat , ang pari ang siyang nagsasalita at tumutugon ang lahat hawak hawak ko ang isang maliit na rosaryo at naka luhod .

Dinukot ko ang aking bulsa at agad tinignan ang paineta sa aking kamay .

Sino kaya ang nakawala nito.
Nag palinga linga ako muli hangang sa may isang binibini na naka puti ding belo ,tahinik siyang tumitingin sa paligid na wari bay may hinahanap na isang bagay .

Natatanaw ko ang kalungkutan sa kaniyang mukha , kinalabit muli ako ni ama at tinitigan ng masama ,yumuko nalamang ako muli at nag dasal .

* Sumainyo ang kapayapaan"

Pagkatapos ng misa ay agad inalalayan ni ama si ina maglakad papalabas , tumingin sa akin si ama

" Alfredo anong kabastusang pag aasal ang ginagawa mo kanina sa gitna ng misa ,hindi mo ba alam na maraming makakakita sa iyo , at marami ring masasabi ang iba sa ating pamilya dahil sa kabastusan mong pinakita"

"Patawad po ama , hindi ko na po uulitin"

"Dapat lamang , sa susunod na makita pa kita muling umasal ng hindi nararapat , ay agad kitang paparusahan"

"Patawad po"

Yumuko na ako ,nakita ko naman na pinahinto ni iNa si ama sa pagpapaaral sa akin ,hinawakan na lamang ako ni ina sa may braso at nginitian.

" Umuwi na tayo Trinidad, bata pa ang ating bunso marahil ay naninibago lamang siya sapagkat ito ang kaniyang unang misa "

Tugon ni ina tumango lamang si ama at simaan muli ako ng tingin .
tama naninibago ako dahil palagi lamang kaming dalawa ni ina ang siyang nagdadasal sa harap ng altar . Hindi ako sanay na maraming tao sa aking paligid.

Nabigla ako ng
Hinawakan ako ni kuya at nakita ko sinuot niya ang kaniyang sumbrero .

" Huwag mong iyuko ang iyong ulo, hindi makikita ng lahat kung gaano ka kamaginoo"

"Kuya , sa tingin ko si amay nagagalit sa akin"

" Ganiyan lamang si ama , hindi niya nais na mapagusapan ng masama ang ating pamilya , katulad ng sinasabi niya palagi . Gusto lamang niya puro kagandahan ang makikita sa atin ng lahat , sa bawat galaw at kilos natin ay may matang nag babatsag isang mali lamang ay pwedeng ma apektuhan ang buong pamilya ."
-
-
-
-
-huwag ka ng malungkot hayaan moy gagawa na lamang tayo ng bangkang papel sa ating pag uwi"

Nakaramdam naman ako ng kaluwagan sa sinabi ng kuya,
nag patuloy na siya mag lakad at sumunod lamang ako ,tama nga ang palaging bilin ni ama , sa aming bawat galaw ay may mga matang nagaantay ng aming kamalian .

EL OCASO (Dapithapon)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon