chapter 17: Alaala

4 0 0
                                        

Aldren pov

Umupo agad ako sa lamesa ko at tinitigan ang papel na hawak ko apat na pages yun kaya binasa ko mula sa una.

" alas dyis sa Domingo na dadating ay may ilang armas ang ipapadala sa hacienda bañaz maaring maunahan natin sila at tambangan upang magamit sa susunod na pagpaplano"

"Mahusay!--may tama ka!"

Parang isang memorya na pumapasok ang mga eksenang yun sa utak ko, lahat ng binasa ko lahat yun parang isang ala-ala

"Ang mga gwardya sibil ako ang siyang hinahanap nila at ang sugat sa kaliwang braso ang makakapagsabi"

Napatingin ako sa orasan ko at nagsimula ng magsulat.

Sa bilis ng nga eksena sa isipan ko ,ganun din kabilis ang pag tatype ng kamay ko sa laptop.

Parang gusto ko lang ipikit ang mata ko at alalahanin ang mga eksenang yun sa isip ko para bang ang mga eksena sa kwentong ito ay buhay na buhay sa akin at lahat yun nakikita ko.

Mahirap ipaliwanag pero ang kwentong ito, parang may parte sa loob ko na familiar kaya ganun nalang siguro ang pagka obsess ko na taousin ito, hindi ko man sabihin ang babae sa storyang ito parang gusto ko siyang makilala parang ang babaeng ito-----

Siya ang babaeng matagal ko ng nakikita sa panaginip ko.

______________________________________________________

1895 Philippines

Fransisca POV

Nang makaaalis na ang mga guardia sibil sa kwarto ay agad akong lumusot sa ilalim ng lamesa at dinampot ang hawak kong baril. dali dali akong tumayo at nilusot ang sarili ko sa maliit na pasilyo sa pagitan ng mga Aparador.

Ang lusot nun ay isang madilim na kwarto. Silong ito ng pueblo feliz inangat ko ang isang kahoy na sahig at binuksan ang baul doon, itinago ko ang hawak kong baril kasama pa ang ilang armas at pasabog.

tinakpan ko yun ng mga retasong damit at dayami at sinarado muli.

Pagsarado ay dali dali kong hinubad ang suot kong camisa pinunit ko rin ang panuelo ko at itinali iyon sa balikat ko upang di na magdugo pa panloob na lamang ang natira sa akin ,

Kahit daplis lamang ang tama ko ay ramdam ko ang hapdi at sakit nito kaya sa tuwing pinapahiran ko ng tubig ay napapapikit nalang ako.

Maykagat kagat rin akong piraso ng camisa upang di marining ang sigaw ko na Pinipigilan ko rin.

mas hinigpitan ko ang pagtali nito sa braso ko.

Napapikit ako sa sakit, pero napangiti ako ng maalala kong sa sakit ng nararamdaman kong ito ay kahit papaano ay napawi dahil nagtagumpay ang aming misyon na iligtas si sisa.

Nakita ko narin ang aking kapatid salamat sa Diyos.

Pinunasan ko ang pawis ko at niligpit ang pinagamitan,
tinakpan ko ng balabal ang aking katawan at lumusot muli sa aparador kinuha ko ang damit na aking susuotin sa pagtatanghal at napalingon ako sa biglang may pagtawag ng pangalan ko.

"Sinag tinatawag ka na sa etapa (stage)"

Tumango nalang ako at sinabing mag bibihis nalang.....

--------------

Alfredo POV.

"Tila malalim ata ang iniisip mo?"

EL OCASO (Dapithapon)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon