CHAPTER 4

45 2 0
                                    

GANE
point of view

"Mag kita kita nalang tayo sa lobby" Nginitian ko si mitz

mamaya pa kasi ang pasok nila ni sha e, 7 ang unang subject namin ni ina, habang sila ay 8 pa,

"Sige, see you" Nag hug muna kami saka kami lumabas...

"Ang saya ko dahil may kasama na akong papasok, hehehe" Nginitian ko si ina

"Ina, hindi kaba natatakot dito?" Nginitian nya ako

"Aaminin ko, Noon, napaka iyakin at duwag ko talaga, na kahit maka kita lang ng dugo ay hihimatayin ako hehehe, pero ng dahil kay xia, nawala yun"

Xiah...

"Xiah?"

"Oo, siya 'yong transfer last 3 years" tumango ako

"Pero nakaka takot dito eh"sabi ko at napa hawak sa braso nya

tumawa siya

" masasanay ka din "

sabay nanga kaming bumaba at lumabas ng building

napa yuko ako dahil, lahat nang madaanan namin ay naka tingin sa'min

o sa'kin?

Naalala ko pa, no'ng kuyugin ako ng mga tao doon sa campus...

pano kung mang yari ulit yun?

natatakot ako

" Oh bakit?" Napa tingin naman ako sa mga kamay ko na sobrang higpit nang kapit sa mga braso n'ya

"So-sorry, ka-kasi ang sama nilang maka tingin sakin e" Ngumisi siya

"Hanggat kasama mo kami ngayong linggo, maipapangako ko na gagawin namin ang lahat para maprotektahan ka"

nilingon ko ang paligid at yung ibang dumadaan ay talagang humihinto para lang samaan ako nang tingin

"Hi-hindi na, baka mamaya madamay pa kayo sa kamalasan ko e"

"Hindi ganon 'yon..."

"Ganon 'yon... halikana mag madali nalang tayo" Hinila ko na ina para mas mabilis kaming makarating sa University

pero, mas kinabahan ako nang makita ko ang mas marami pang mga estudyante...

si ina naman ang humila sakin papasok...

"Kung gusto mong maka tagal Dito, huwag na huwag kang titingin sa mga mata nila, at huwag na huwag kang mag papakita ng takot, j'an sila nangangati na galawin ka"

"Pero ina..."

"Makinig ka nalang..." nag pahatak nalang ako sa kanya,

ngunit gaya no'ng isang araw, naka salubong nanaman namin sa hagdan si president

"Welcome back Ms Fayetteville" naka ngising bati nya

bahagya pa akong nag bow sa harap nya dahilan para matawa siya.

"You are safe by this week, and yeah be thankful about that, pero once na matapos ang week na ito, ewan ko nalang hahaha, don't worry I'll not chase you, hindi ko na gagawin yun, sapat na sakin ang mag hirap ka" saka siya tuluyang umakyat

"I-ina..."

"Shhhh...." Hinila nako ni ina, dahil hindi ko nanaman gusto ang mga tingin ng mga ibang tao sakin...

para silang nga zombie kung mga tingin, parang sa bawat galaw ko ay nananakam silang saktan ako...

bagay na nakakapag bigay sakin  ng kaba at kilabot...

BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now