CHAPTER 13

32 2 0
                                    

GANE pov.

"Nandito na po siya"

"Papasukin mo"

nginitian ako ni ms secretary at sinenyasan na pumasok

Ginantihan ko siya nang ngiti at pumasok

Pag pasok ko, isang madilim na silid ang sumalubong sa akin,

Dahilan para makaramdam nanaman ako ng kilabot...

Natatakot ako...

"Ms. Fayetteville..." Agad na tumingin ako sa gilid

Hindi ko siya napansin agad, kung hindi dahil sa maliit na bintana na nasa gilid, kung saan nang gagaling ang sinag ng liwanag ay hindi ko siya makikita...

Hindi ko nga din alam kung anong meron sa lugar na ito eh, basta, sobrang dilim lang nya, at tanging sa side lang ni Mrs Dean ang nasisinagan ng liwanag...

Ngumiti ako  at yumuko

"Hello po, magandang hapon"

"Halika" Lumapit naman ako nang tawagin nya ako, naka tayo siya sa pinaka sulok, at naka silip sa bintana na maliit..."Hindi kita na kita kanina..." Hindi siya sakin naka tingin, mag ka cross  ang mga kamay nya

"Ay opo, pasensya napo kayo, kung hindi ako naka punta..."

tumango siya

"So, how's your stay here?"

Napa yuko ako at pinag laruan ang index finger ko

"De-dean... Pwe-pwede po ba akong mag sumbong sa inyo?"

"Bakit?"

"Ka-kasi po ano, ka-kasi b-binubully po nila ako at sinasaktan..." bahagya siyang natawa at lumingon sa akin

"Wala ka pa talagang ideya hanggang ngayon ano?" Natawa nanaman siya "Hindi ko alam, kung bakit ka ipinadala dito, napaka hina ng loob, at masasabi kong, st*pida" Tumango tango siya"Siguro nga, ay gustong gusto ka na niyang mamatay, hahhaha"

napa atras naman ako

"P-po?"

"Alam mo ba, na kinakamusta ka ng tita mo? Tinatanong nya ako, kung buhay kapa ba, akala ko din namatay kana e, pero look at you, naka tagal ka ng ilang araw, well, i must congratulate you hahahaah"

Nakaka takot siyang tumawa, pa-parang... parang iba...

"Siguro, alam mo na, na ikaw ang siyang magiging target ng mga lord upang makuha ang mataas na psosisyon..." Tinignan ko siya

"P-po?"

"Hhahaha,ikaw ang siyang magiging bola nila Fayetteville , ikaw ang mag dadala sa isa sa kanila sa mataas na psosisyon sa lugar na ito, at alam mo kung bakit?" umiling ako, dahilan para tumawa nanaman siya nang malakas "Hahahaha, hindi mo na dapat pang malaman, hahaha,  ngunit isa lang ang masisiguro ko, hindi ka mag tatagal Dito..."

"P-po ba-bakit po?"

"Simple lang, dahil ang buhay mo ang siyang magiging daan, para umangat ang isa sa kanila," Umiling iling siya "Nakaka awa ka, at gustuhin ko man na iba nalang ang siya ipain ko, ngunit wala na, miski si lord mask ay gusto ka nang mapatay hahahaha, kaya sige, hahayaan ko sila hahahh"

Tumulo naman ang luha ko

Lahat sila, la-lahat sila ay kanya kanya napalang desisyon para sa akin, lahat pala sila, ay may kanya kanya ng balak sa buhay ko...

"Huwag kang malungkot, hindi dapat ay masaya kana? dahil sa wakas, sa malupit na mundong ito, ay makaka alis kana..."

"Nasan po ang daddy ko..." wala sa sariling tanong ko

BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now