CHAPTER 8

37 3 0
                                    

GANE pov.

Rinig na rinig ko ang mga yabag,

Palapit nag Palapit kung saan ako nag tatago

napa pikit ako at taimtim na humagulgol...

Jusko panginoon, kung ano man po ang maging resulta ng mga mang yayari, kayo napo ang bahala sa akin at sa Daddy ko, kayo narin po sana ang mag pa hatid kay mira na mahal na mahal ko siya at walang araw na hindi ko siya minahal...

Yumuko ako ng maaninag ko ang anino nya

Habang palapit nang palapit ang yapak nya, ay unti unting inalala ko ang pamilya ko

Mahal ko kayo daddy... mira...

"Anong ginagawa mo dito?"

Napa mulat ako, ng boses ng babae ang siyang maringgan ko, dahan dahan kong binitawan ang bibig ko, at nag dahan dahan na nag angat ng ulo...

Isang matandang babae, ang bumungad sakin,

Parang naka hinga naman ako  ng maluwag...

pero bumalik din ang kaba agad ng sumama ang tingin nya

"Tinatanong kita! anong ginagawa mo dito!? Oras ng tanghalian hindi ba!? Bakit ka na rito!?"

Kahit nanginginig ay tumayo ako, at pinag dikit ang mga palad

"Pa-pasensya napo kayo ah? ka-kasi po ano.. ka-kasi may nang hahabol po sa akin, G-gusto nila akong sakta--"

"Ikaw ang bago?" Kunot noong sabi nya,

"O-opo..."

Tinitigan nya pa ako ng maiigi

"Teka... Hindi mo ba ako naaalala?" Inisip ko naman kung saan ko siya nakita pero...

"Hi-hindi po... ng-ngayon ko lang po kayo nakita eh" Napapa nguso na sabi ko

Hindi agad siya naka pag salita, at talagang sobrang naka titig siya sakin...

"Imposible... alam kong... ikaw 'yon"

"Po?"

Bahagya pang napa iwas ang tingin nya

"Sabagay... Baka nga nag kakamali lang ako, sa tinig mo palang ay impossible na..." tumingin siya sa akin, "Bakit Narito ka?" Taas kilay na tanong nya

napa kamot naman ako sa ulo ko

Kakasabi lang e...

"A-ano po kasi e, ka-kasi po, may nang hahabol po sa akin"

"Hindi na bago 'yon,"

"Po?"

"Hindi na bago kako 'yon , pero ang bago e ikaw"

tumango ako

"Opo, bago po ako"

napa iling siya

"Sa nakikita ko, imposible na tumagal ka dito" Tumitig nanaman siya sakin "Nag kamali ka ng lugar na pinasok mo"

napa tungo ako

"Hi-hindi ko po talaga gusto na pumasok dito, ang tita ko po , siya po ang nag dala sakin Dito..." Nangilid nanaman ang luha ko

"At sana, alam mo din na sa ano mang oras ay pwede kang malagutan ng hininga"

tumango ako

"Dalawang araw nalang po ang ibinigay na pataw sa akin, ngunit ma papaaga pa po ata dahil sa mga students dito..."

napa buntong hininga siya , at tumalikod

Pinag masdan ko naman nang mag lakad siya ,

ngumuso ako

BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now