CHAPTER 34

42 3 0
                                    

ETHAN pov.

"Kung hindi lang natin siya Kailangan ay ako mismo ang kikitil sa buhay niya!" Inis na sabi ko.

Nag ngangalit ang buong pag katao ko dahil sa ka niya!

Wala siyang ginawa kundi ang pahirapan ako.

"Kailangan mong magpigil. Kailangan natin siya. Kailangan natin ang husay niya" Jax

"I know that! But fvck! Hindi ko kakayanin na makasama siya!"

"Ethan..."

"Matapos lang talaga ito at naka laya na tayo, babalikan ko siya"

"Pano...pano kung buhay si Gane? I mean...paano kung talagang nag sasabi siya ng totoong hindi siya si Gane? Anong gagawin mo?" Equel

" Are you blind!? Mag kamukang mag kamuka sila! Sobra! at impossible naman na kung kailan nawawala si Gane ay saka siya lilitaw!"

"Pero pakiramdam ko nag sasabi siya ng totoo Ethan. Paano kung may Gane? Paano kung mag kaiba silang tao? Paano kung si Gane ay kasalukuyan paring pinapahirapan ng mga management?"

Kahit alam kong impossible, naka ramdam ako nang kaba at the same time takot

"That's will never happen. Si Xiah at Gane ay iisa! Impossible ang sinasabi niyo! Impossible na si Gane ay totoo!"  Pakiramdam ko ay lalabas nanamang muli ang luhang patago ko lang inilalabas.

Alam ko sa sarili ko na walang Gane, alam ko sa sarili ko  na gawa gawa lang iyon...Pero bakit nandito parin ang pangungulila? Bakit nandito parin iyong sabik na makasama ko siya at mayakap?

Ilang beses ko nang hiniling na sana, sana totoo si Gane, sana...sana Totoong may Gane.

Kahit na sabihin kong, minahal ko si Xiah, iba parin ang impact ni Gane. Iba parin siya higit kanino. Aware ako, aware ako na iisa sila pero, bakit sa tuwing nakikita ko siya galit ang nararamdaman ko, bakit ang kagustuhan ko ay ang kitilan siya ng buhay!

"Hindi na dapat natin siya pilitin. Kahit ako, hindi maka paniwala na iisa sila. Napaka bait ni Gane, malambing at talagang walang bahid ng kasamaan. Hindi gaya ni Xiah." Keda

"I agree. Mahirap paniwalaan na iisa sila. Gaya kanina..." Nilongon ko si Jaxon

"Hindi niya ako kilala..."

"Tsk. Kasama iyan sa pag arte niya! Naniwala ka naman?"

"Hindi lang iyon, ang  boses niya. Hindi ba higit kahit kanino, ikaw ang nakaka kilala sa boses niya? Ethan, mag kaiba sila ng boses"

"She can manipulate all Jaxon! bakit ba bago ka ng bago!? Lahat kaya niya! pati pag papaikot ng tao kaya niya!"

"Bahala ka, sana hindi pa huli ang lahat" Inis na nag iwas ako nang tingin..

"Paano mo nga pala siya nakita kanina?" Equel

"Nasa hindi kalayuan lang siya nag mamasid. Mukang humahanap nang tyempo para makausap tayo"

"O baka naman may balak nanaman siya!?"

"Ethan, hindi ganon..."

"You can't blame me. Hinding hindi ko siya mapag kakatiwalaan! Hanggang sa maubos ang hininga ko Hinding hindi ko siya mapapatawad!"

"Ethan.."

Sa oras na maka laya talaga ako dito hahanapin kita at babalikan. Pahihirapan kita gaya nang pag papahirap mo sakin.

Onting panahon nalang at makaka alis na ako dito. Onting panahon nalang ay makakalaya na ako.

Mag kikita na kami ng family ko. Mag kikita kita na kami....

BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now