CHAPTER 15

42 3 0
                                    

GANE pov.

"NAG MAMAKAWA AKO! BUKSAN NYO 'TO! BUKSAN NYO 'TO ! GUSTO KONG MAKITA ANG DADDY KO! GUSTO KONG MAKITA ANG KAPATID KO! BUKSAN NYO 'TO! PLEASE... PLEASE!"

Muli kong hinampas ang pader, pero kahit ingay ay wala..

Tuluyan nanga akong napa luhod at umiyak. Hindi ko ininda ang katawan ko na sumisigaw na sa sakit

" Bakit... ba-bakit ba ganito naman po ka hirap  ito. Si-sinubukan ko naman po na maging mabuting tao, Pe-pero bakit naman ganito... G-gusto ko lang naman silang makasama, yu-yung daddy ko, y-yung kapatid ko," tumingala ako "Kinuha nyo nanga ang mommy ko pati ba naman si mira... bakit kayo ganyan, ba-bakit nyo po ba ginagawa sakin ito..." Tuluyan nakong sinakop ng mga hikbi ko

napa hampas naman ako sa lupa, ramdam na ramdam ko na ang panlalamig ng mga katawan ko, pero tila wala nakong lakas para umalis pa sa kinaluluhuran ko. Halos papikit na ang mata ko dahil sa pagkabugbog nito, pero hindi hadlang 'yon para maka kita ako

" Ma-masama po ba ako? ma-may nagawa po ba ako? ba-bakit naman po ganito? ba-bakit sa lahat ng tao pa na kukunin nyo, e yung nag iisang taong, taga pag ligtas ko pa? Hindi panga po ako nakaka bawi eh, ni-ni hindi ko papo siya nakikita, bakit naman kinuha nyo agad... bakit... bakit "

Tuloy tuloy lang ako sa pag iyak ko,

" Nilakasan ko ang loob ko sa loob ng 5 taon, na hindi ko siya nakikita, lahat ng nang bubully sakin ay hindi ko inaaway, naging behave po ako, dahil akala ko, ang reward ko, ay ang muling makasama ang ate ko, pero bakit nyo po siya kinuha..."

Muli akong tumingala,

" Pagod napo ako, pagod na pagod napo ako, "Pumikit ako " Can i rest? "

Ramdam ko ang pag buhos ng malas na ulan, at tumatama yun sa muka ko, at doon ko masasabi na, na  pumanatag ang kalooban ko, dahil, walang sino man ang makaka kita na umiiyak ako, walang sino man ang makakakita nang pagiging mahina ko...

Bahagya akong ngumiti...

Isa sa hindi ko maintindihan,

Sa tuwing punong puno ng galit ang dib dib ko, at sobrang lungkot ko? bigla nalang uulan, saka ako tatakbo sa ulanan, at doon iiyak...

Madalas akong umiyak, pero pag talagang dama ko, na wala akong karamay? bigla talagang uulan, tapos non, nararamdaman ko, na may kasama ako,  pakiramdam ko nga, sa tuwing hahaplos ang tubig sa muka ko, eh may tila pumapahid ng luha ko...

At lagi kong sinasabi...

si mommy yun,

At pinapalakas nya ang loob ko,

nag mulat ako ng mata nang maramdaman ko na pahina nang pahina ang ulan, unti-unting lumabas ang sinag ng araw,..

Tuluyan na akong sumalampak sa lupa, at inilahad ang palad ko,

umaambon  nalang...

Pero kahit ganon, napa ngiti parin ako....

Salamat mommy....

Ilang raw nalang mommy makakasama na kita, kayo ni mira...

ngumuso ako ng maalala ko si daddy...

Sorry po daddy...

Pero alam kong hindi naman kayo pababayaan ni tita eh, alam ko po yun...

Pasensya napo kayo, dahil sa ngayon po,

Si mommy at mira na muna ang makakasama ko, pero promise po, hihintayin ko kayo, namin..

"I love you daddy..."

BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now