CHAPTER 6

34 2 0
                                    

GANE pov.

Unang araw, unang pag hihirap ang naranasan ko sa kamay ng mga istudyante dito,

Hindi nila ako tinigilan

Hindi nila ako tinantanan

Lahat sila ay nangangati na saktan ako, lahat sila ay gustong makitang nag hihirap ako

Hindi ko maintindihan

Sobrang takot na takot ako

Sobrang nalulungkot ako

Hindi ko lubos na maisip, na ang buhay ko sa labas, ay may mas lalala pa dito.

Buong buhay ko, puro pag hihirap nalang,

Sakit at pag durusa

Gusto ko naman na bigyan ako ng kahit isang araw na pahinga at kapanatagan...

Pinunasan ko ang luha ko

"Hindi ko na tatanungin kung ayos ka, mas maganda kung kumain ka  na muna ng hapunan, para maka inom ka ng gamot at maka tulog" nilingon ko si Mitz

"Masama ba ako?" Lumuluhang tanong ko

"Bakit mo na sabi 'yan?" Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko "Gane?"

"Ka-kasi pakiramdam ko napaka sama ko para maranasan ang ganitomg bagay..." Tumitig ako sa kanya

"Gane... makinig ka, makinig ka okay?" Dahan dahan akong tumango "Ang mundo kung nasaan ka ngayon, ay punong puno ng kasamaan, punong puno ng ka demonyohan"

"Pero..."

"Shh.... hindi mo dapat tinatanong sa sarili mo kung masama ka ba o hindi, dahil kung kami ang tatanungin mo? tsk" bahagya siya tumawa "Isa kang anghel na ipinadala dito sa impyerno..."Tumitig ako sa kanya, biglang naging seryoso siya , at napa iwas ng tingin

Binitawan nya ang kamay ko

" Gusto kitang tulungan gane, gusto ka naming protektahan, pero pano namin magagawa 'yon kung ikaw mimso ay hindi naniniwala sa sarili mo? Pangatlong araw mo na dito, at ayokong dumating sa puntong, hindi kana aabot ng pang pito, sobrang dami ng na mamatay sa lugar na ito, na walang kalaban laban... at hinihiling ko, na sana hindi ka mapa isa do'n gane... "

Yumuko ako...

" Patawarin nyo ako, nabibigyan ko pa kayo ng iisipin, nabibigyan ko pa kayo ng mga suliranin"Bumuhos nanaman ang luha ko

"Gane..." Nag angat ako nang tingin para ma tignanin siya "Please lang... Kung ano man ang sabihin namin, sundin mo..."

"Pero mitz, hi-hindi ko kayang manakit, alam mo 'yan, hi-hindi ko kayang humawak ng armas, para lang maging ligtas ako, mas gugustuhin kong humawak nyan, pag sarili kona ang papatayin ko, hindi ko kaya..."

napa buntong bininga siya

"Ano kayang magandang gawin para madumihan ko ang napaka linis mong puso? at konsensha?" Hindi ako umimik "Hindi masama ang maging sobrang buti, pero ang masama, kung pati sa away ay gagamitan mo ng kabutihan, tandaan mo, ang ahas ay tuso, at sumisimbolo ito ng kaaway natin mismo"

Pinunasan ko ang luha ko

"H-hindi ko alam, basta ang alam ko lang, hi-hindi ko kayang manakit, hindi ko talaga alam ang gagawin ko" napa tingala nalang ako "Lahat sila, ay Gusto na mawala ako, once ba na mawala ako, hindi na sila magagalit sakin?"

"GANE!?"

nilingon ko siya

"Nag tatanong lang"nguso ko

"Ayoko nang sinabi mo! tandaan mo, sa oras na mamatay ka, Magiging mitya 'yon ng gera..."

nag taka naman ako

BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now