CHAPTER 17

35 3 0
                                    

GANE pov.

"Matagal na panahon na ng mag karoon ng issue Dyan , ang libro noon ay hawak ni xiah, at sa kauna-unahang pag kakataon, siya lang ang nag lakas loob na hanapin yun, inuwi nya dito ang libro, pero hindi kami nangealam, dahil din sa sinabi nya. N'i kahit siya ay hindi namin natawan na binuksan yun, pero isang gabi, nagulat nalang kami, ng sunugin nya yun, dahilan upang mawalan nang pag-asa ang buong University, kahit kami noon ay nawalan na nang pag - asa. Si xiah, ay isang baliw, baliw na baliw sa lahat ng bagay, basta ginusto nya, ay makukuha nya, maliban nalang sa isa... "sumeryoso si mitz" Ang trono ni dean, gusto ni xiah na mamahala sa buong University, ngunit dahil sa kakulangan sa kagamitan at kaalaman, natalo siya, at ginamit ni dean si lord mask para ma patay si xiah... Si xiah na isang delbuyong, hindi kailan man na galaw ni dean. Alam ng lahat ang hidwaan ni dean at xiah, pero hindi pa namin na kitang saktan ni xiah si dean gaya ng mabilis na pag init ng ulo nya, pag students ang kaharap nya. Ang daming nag sasabi, na takot si xiah sa kanya, pero iba ang hinala namin... "

" S-sino ba talaga si xiah? ba-bakit napaka laki ng sakop ng pangalan nya? "

Tumingin muna siya sakin bago na ikuyom ang palad.

" Si xia, ay masasabi kong Psycho, onting kibot ng tao, at hindi nya nagustuhan, papatayin nya. Nakilala namin siya , nung isa kami sa bibitayin ni lord mask, dahil sa wala kaming sinalihang org,"ngumiti pa siya " Nung una, akala ko ay manonood siya, pero nang makita nya kaming pinaakyat sa pasemano ng building, pinigil nya"Kita ko ang pag Yuko din ni ina at sha

"Noong oras nayon, hindi ko alam ang mararamdaman ko, hindi ko alam kung hahanga ba ako, dahil sa isang iglap, hawak nya na kami, at naka handusay na si lord mask sa sahig, hindi ko malilimutan yung unang tawag nya sakin" natawa siya "Barbie, Hahahaha, nakaka tawa talaga, dahil kahit punong puno noon ng bangas ang muka ko, humahanga parin siya," umiling pa siya

"Simula noon, doon na siya samin nag stay, ang sabi nya panga, madalas siyang natutulog sa labas ng pinto namin, matagal nya na daw kaming sinusubaybayan..." naluha siya "Namimiss ko na siya , hahaha, kung paano nya kami gisingin sa madaling araw, dahil sa nagugutom lang siya , minsan ay nag hahanap lang nang yakap, miss namiss ko na yung isip batang baliw, lahat kinakatakutan siya , lahat nilalayuan siya kahit ang totoo, isa lang ang gusto nya, Pag mamahal" Pakiramdam ko, naluluha narin ako...

Yun lang din ang gusto ko, pag mamahal at kapayapaan.

"Nung gabing mamatay siya , may sinabi samin si lord ira, na ang tanging bilin ni xia, ay ang bantayan kami, at huwag na huwag pababayaan" Umiyak nanaman sila, na damay tuloy ako "Ang tanging h-hiling lang d-daw ni x-xia, a-ay pro-protektahan kami, a-at huwag pa-pabayaan"

yumuko ako, at nakisabay sa pag iyak nila...

"Kahit sa huli, kami parin ang naiisip nya, hanggang sa huli, kami parin ang inaalala nya, kaya gumawa kami ng paraan para makaganti sa mga taong may kagagawan ng pag kawala nya" parang nag liyab sa galit ang mga mata nila...

"Simula nang mamatay si xiah, ang tanging hangarin namin, ay ang maka ganti, sa lahat ng may kagagawan ng pag kawala nya pero.." tumingin sila sakin, ngumuso ako "Nang dumating ka, yung hangarin namin nag bago, yun ay ang protektahan ka"

naluha nanaman ako

"Hindi na kami makakapayag na mawalan ulit, hindi na, lalo na ng gaya mo, gane, hindi kana iba samin.."

"Ina, h-hindi mo naiintindihan, hindi nako mag tatagal"

"At sasama kami sayo"

"H-hindi pwede, h-hindi."

"Gane..."

"Sha, makinig kayo, kung mamatay man ako, ayos lang sakin, wala akong pag sisisihan, gaya ni xiah, handa akong mag sakripisyo para sa inyo, because you deserve it guys, you're deserve to have life outside of this world, gusto kong maranasan nyo ang ganda sa labas."Umiling sila" Huwag kayong mag alala sakin, kung mamamatay man ako, ayos na ayos lang, dahil makakasama ko na si mira at mommy... "

BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now