PROLOGUE

156 5 0
                                    

Tahimik ang buong lugar, lahat sila'y nag kukubli upang mailigtas ang kanilang mga buhay..

Mula sa tahimik na kapaligiran, isang tinig ng babae ang nangibabaw..

"hhmm.. Hmmm.. Hmm.." Bawat pag dagundong ng kaniyang tinig ay sumasabay din ang tunog nang kaniyang kadena.

Hila hila n'ya ito habang iniikot ang buong paaralan.

Halos lahat ay nag pipigil ng hininga, dahil sa oras na matagpuan sila nito ay sigurado na katapusan na nila.

"Kitang-kita, kita mula d'to.." humagikgik ang dalaga kasabay nang pag bagsak nang kadena. "Ako ba ang lalapit O ikaw?"

Tikom na tikom ang bibig ng isa sa miyembro ng management na namamahala sa buong transaks'yon sa paaralan.

Nanginginig s'ya at pilit itinatago ang sarili...

"BULAGA! BWAHHAHAHA" malakas na tawa ng dalaga at mula sa kinatatayuan n'ya ay gamit ang hatak hatak na kadena na may hila hilang wala ng buhay na mga tao na iilan din sa miyembro ng management.

Umalingaw-ngaw sa buong lugar ang malakas na sigaw ng matandang lalake at kasabay noon ay pag sirit nang dugo mula sa kaniyang leeg.

Muling tumawa ang dalaga..

"I told you. You can run but you can't hide. Wherever you are, I can find you.."

"A-ang libro.." mula sa di kalayuan ay isang matandang babae ang nag lakas nang loob ang nag salita. "Nasa 'yo ang libro hindi ba?"

"Isa ka ba sa nag hahangad na maka labas?" bakas sa muka n'ya ang tuwa.

"Hindi ko hinahangad ang lumabas sa sariling mundong ginawa ko..."

BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now