CHAPTER 16

36 3 0
                                    

GANE pov.

Halos isang oras lang ata akong nakapag pahinga't nag ayos na agad ako upang mag handa ng makakain.

Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko. Naka balot ako ng jacket,medyo ramdam ko parin talaga ang sakit sa likod ko't muka. Pero salamat, at medyo humupa na ang kirot na nasa muka Ko. Talagang napuruhan lang talaga ako sa likod, Kung saan binalutan ng bandages para maayos akong makagalaw.

Matapos kong maiayos ang Lahat ng pagkain ay tumuloy na ako palabas. Nakaka tuwa't medyo nasasanay na ako na mag isa.

Sa library muna ako pumunta, para dalhan si lola ng pagkain...

*LIBRARY*

"ikaw nanaman?" Ngumiti ako ng bahagya

"Hello po" nag bow ako at lumapit sa kanya

"Bakit ba balik kapa ng balik dito?"tinaasan nya pa ako ng kilay," Anong nangyari jan sa muka mo? "bahagya ko pang hinawakan ang mata ko na medyo pahupa na ang pamamaga...

" A-ano po, hehehe dahil po sa kat*ngahan ko hehehe, oo nga po pala"inilapag ko ang pagkain nya na ginawa ko "Eto po oh, nag Luto po kasi ako ng tanghalian, gusto ko po sanang maka tikim kayo kahit papaano"

"Bakit mo ba ito ginagawa?"

"po?"

"Hindi ko kailangan 'yan"

nalungkot naman ako

"Hindi mo kailangang aasikasuhin ang iba, lalo na, kailangan mo ang sarili mo ngayon" Ngumiti ako

"Sa ngayon po, hindi na importante ang sarili ko, hehehe, hindi narin naman po mag tatagal ang buhay ko eh, ang gusto ko lang po, na mag karoon ng silbi yung gaya ko dito sa mundo, hanggang sa huling hininga ko" Nanatiling naka tingin siya sakin "At isa papo, para ko narin po kayong lola, hehehe"

"Tsk..." bumaling siya doon sa ginagawa nya,

agad naman na umikot ako doon sa register table,

"Kailangan nyo po ba nang tulong?"

"Hindi, dahil wala ka namang alam dito. At isa pa, parang isang ihip nalang sa 'yo tumba kana. " Mataray na sabi niya

Bahagya naman akong ngumuso. Sobra naman...

"Ahm, kahit po ipakuha?" Bahagya siyang umirap at may itinuro

"Siya-siya , kunin mo yung ibang librong naka patong doon sa last table sa dulo" ngumiti ako at tumango "Kaysa mag pahinga nalang kasi nang gugulo pa  dito"

Ngumuso ako nanaman ako pero napalotan agad nang ngiti at pumunta doon sa tinutukoy nya,

Pag punta ko doon , niligpit ko muna ang mga kalat

"Grabe naman, talagang ginagawa nya to? eh ang tanda nya na para sa ganito" nilingon ko pa siya , pero tatakpan ng bookshelf kaya, hindi ko manlang siya makita...

napa bunotong hininga ako at nag patuloy nalang sa ginagawa ko na pag aayos ng mga libro

pinag patong patong ko yun, mula sa malaking size hanggang sa maliit.

Niligpit ko din ang mga papel na naka patong sa lamesa...

Pero nangunot ang noo ko nang may maka agaw ng atensyon ko,

Isang sketch paper..

sa unang tingin ay parang binaboy lang yun pero, ng tamaan ng ilaw, biglang lumitaw ang pa box na guhit...

Kinuha ko yun, at pinaka titignan...

"Ano toh?" takang tanong ko

Hindi ko mawari kung, pinto ba siya o libro na basta... ewan, hindi ko maintindihan....

BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now